Friday, May 9, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 163




~ ~ MICHEAL TOLEDO'S BIRTHDAY BUZZZZZZ ~~

After school sa Caliehon na ko tumuloy dahil sa wakas naisipan rin ni Mick na magpainom sa bahay nila sa araw ng birthday nia dahil ugali ni Mick na sa villages magpapainom after o before ng bday nya dahil ayaw na isama ang cyber's sa mga bisita nya sa house dahil magugulo daw yung mga tropa nya sa bahay pero this time napilit nina Mark na makisabay sa mga tropa ni Mick sa bahay . . . iba naman daw yung pwepwestuhan namin . . .

Pagbungad ko palang sa bahay nina Mick nakita ko na agad si Paulo isa sa mga friends ni Ricky at nanging tulay namin biruin mo after four or five years ngayon lang ulit kami nagkabungguang siko ni gago sa mantalang taga caliehon rin nga pala si gago . . Tropa pala ni Mick ang kulokoys na iyon . . . . after konting kamustahan at chikahan tumuloy na ko sa loob at lumapit sa tropa, Mark asking me kung sino yung kausap ko then I told him na old friend ng X ko akalain mo bang sabihin sakin na kung si Jan daw yung x ko na friend ni Paulo hindi ko tuloy maiwasang matawa but I know he just concern about me na may magamit na namang tulay si Jan para magkaroon kami ng communication kaya bago pa kung ano ang isipin ni Mark i told him na about Ricky, i tell our story at sinbi ko kay Mark na He dont need to worry about Jan dahil hindi ko na gustong balikan pa kung ano ang meron kami kung being friends pwedi pa pero kung tulad ng dati malabo na . . . mahirap na!

~~~~ Hindi man masasabing normal ang relasyon namin ni Carl, masasabi ko namang normal ang kasayahan na nararamdaman ko sa tuwing kasama ko sya, mahirap ipaliwanag para sa mga taong di pa nakakaramdam at nakakaranas na magamahal ng katulad ng nararamdaman ko para kay Carl pero isa lang ang masasabi ko masaktan man ako sa huli o may pagsisihan man ako ayos lang ang mahalaga yung nararamdaman ko ngayon at masaya ko sa kung anong meron kami ni Carl . . . .

"~~~ OCTOBER 18, 19 , 2000 ~~~"

~~ 18 ~~ BDAY NI JOHN ~ my youngest brother at yung ~~ 19 ~~ death Anniv ni Daddy kaya pinagsabay na namin yung handa ng October 20 para friday at walang pasok kinabukasan dahil may party si John, kaya medyo pagod at puyat ako pero okei lang happy naman yung utol ko kahit na medyo sad dahil dumaan na naman iyong araw na pinakamasakit para saming magkakapatid . . .

DAD, its been 5 years, mula ng iwan mo kami, sometimes I feel na tanggap ko na yung pagkawala kmo pero kadalasan lalo na at may problema ako I always wish na sana nandito ka parin para kahit naman isa sanyo ni mommy may kakampi kami, Dad I know you watching us, always mo po kaming babantayan lalo na si Mommy, bahala ka na samin, , , we will miss you. I miss you dad, we love . . i love you dad!!

~~~ Wala akong magawa kaya nagpunta ako sa Villages alam ko namang may dadatnan ako roon dahil may practise sila para sa sasayawin nila sa Fiesta next month . . Naabutan ko ang buong tropa sa Villages buti nalang break nila, when I ask where's Mark, Andoy said na sinundo raw si Dianne dahil may PE raw sa school, para sakin wala lang iyon dahil natural lang na sunduin ni mark si Diane walang malisya pero ewan ko ba kay chris kung bakit humirit-hirit pa kay Randy na " o ano tol, ang bagal mo kasi ayan naunahan ka na ni Mark?" nakita ko kung paano pinagbabatukan nina Andoy at Micheal si Chris dahil sa sinabi nito bago sabihin ni Vince na bumalik na sa pwesto dahil tapos na yung break nila, nginitian ko nalang si Chris when I saw his eyes na para bang nagso-sorry at nagsisise' sa biro nya kanina, pero sa isip ko unti-unting may nabubuo at di magandang nararamdaman ang puso ko, pero pinilit kong inignura iyon dahil ayukong isipin at ayuko ng nararamdaman ko at alam ko wala akong karapatan para maramdaman ang nararamdaman ko sa sinabi ni Chris at mas lalong wala akong karapatan kahit manlang isipin . . .

Nang mag-focus ang Cyber's sa ginagawa nila sinubukan kong itapon ang lahat ng iniisip ko tungkol sa sinabi ni Chris, pinilit kong ituon ang attention ko sa panonood ng sayaw, nagkatawanan ngang bigla ng magkamali ng pasok si jen sa isang step at biglang nadulas kaya ng makitang nakatawa rin si Vince naggalit-galitan si bruha at sa isang iglap ayon naging maamong tupa si vince na inaamo si Jen, nasa ganung sitwasyon ang lahat ng marinig ko ang ugong ng motor ni Mark, ugong palang ng motor ni gago alam ko na . . pero sinadya kong wag pansinin at wag lingunin ang pinanggagalingan ng tawanan at hagikhikan mula sa sa mga bagong parating, pero di ko naiwasan ang makiramdam at kahit nakatutok kyna Vince at jen ang mukha ko sa ilalim ng mga mata ko hindi ko parin napigilan na tingnan sina Mark at Dianne kaya nakita ko kung paano biglang tumahimik yung dalawa at tila ba hindi inaasahan na nandoon ako . . .

Nagkunwari akong di ko sila napansin, I saw Dianne na lumapit kay Lyca and Mark tap my shoulder kaya napilitan akong lingunin si gago . .

Mark: Kanina ka pa?

Me: di ngayon lang! ibinalik ko ang tingin ko sa grupo ng magtama ang mata namin ni Dianne ngumiti ako but i dont like what I saw in Dianne's face, na para bang nakangiti nga sakin pero hindi makatingin ng tuwid dahil may itinatago . .

Mark: Nakita ka na ba ni Mama?

Me: di pa, mamaya nalang bago umuwi, sandali lang naman ako nagpapalipas lang ng oras.

Mark: May problema?

Me: wala! tumingin ako kay Mark at ewan kung bakit kung ano ang nakikita kong takot sa mata ni Dianne kanina ay sya ring nakikita ko sa mga mata ni Mark at mas lalo akong nasaktan dahil mismong si mark ang unang umiwas sa magtama ang mga mata namin, Mark never do that unless he something to hide o may ginagawang kasalan at kung ano man un i know may kinalaman iyon sa mga sinabi ni Chris kanina . . .

Nang sumali si mark at dianne sa pagiinsayo pinilit kung hulihin ang mata ni dianne pero bigo akong mahuli iyon, at aware din akong nakatingin sakin si mark habang pinagmamasdan ko si dianne, pero ng minsang magkamali si dianne ng step ipinasya ko ng itigil ang ginagawa ko alam kong di dapat, alam kong mali dahil kung tama man ang nasa isip ko wala akong karapatan para gawin yun kay diane . . . tumayo ako mula sa pwesto ko para makapagconcentrate na si Dianne sa ginagawa nya dahil alam ko nato-torture na si gaga sa kakatitig ko sa kanya, lumipat ako sa isang bahagi ng garden nina mercy malapit sa gate, pero hindi parin ako mapakali kaya lumabas ako ng gate at umupo sa garter ng karsada, ewan ko kung bakit nararamdaman ko ito, hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako, kung biglang may bumalot na takot at lungkot sa puso, kung sakali mang may namamagitan o may mamagitan kyna Dianne at Mark hindi ko dapat nararamdaman ito dahil wala na kami ni mark, I was happy to Carl's company, ahhhh ewan siguro kaya lang ako nagkakaganito dahil katulad ng kay Haidie noon, inicial reaction lang bilang ex girlfriend ni Mark, maybe katulad ng iba, all ex boyfriends lalo na yung labis mong minahal is like a shoes or a precious things na kahit na hindi na natin kailangan pero ayaw parin nating itapon o ipamigay manlang dahil bukod sa may sentimental value alam mong kapag nawala na sayo hindi ka na magkakaroon ng ganun kahit kelan, siguro nga ganun yun but I know i need to let Mark go, hindi ko sya pweding ikulong sa mundo ko lang lalot may ibang mundo narin akong ginagalawan si Carl, hindi lang siguro ako sanay na makakasalimuha ko ang bagong gf ng x bf ko para kasing ang akward ng feeling kapag nangyarin yun. ahhhh ewan bahala na . . kaya bago pa may makakakita sa pag-iyak ko inayos ko ang sarili ko at pinilit ngumiti papasok ng bahay . . .

Mark asking me where i have been sinabi kong naglakad-lakad lang at nagpahangin . . .gustuhin ko mang itanong kay mark ang tungkol kay Dianne ng mga oras na iyon pinigilan ko ang sarili ko dahil dapat kusang si mark ang magsabi nun sakin dahil wala akong karapatan na pangunahan sya sa disiyon nyang sabihin sakin o hindi ang totoong nangyayari . . .

to be continue . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 162

One week po akong di nakapagsulat dahil sa dami ng ginagawa sa school, dahil graduating na po madaming activities like foundation day kaya naging abala po ako ng mga nakaraang araw but i can tell you a little sa mga nangyari . .


* After Lycas bday sa TROPANG IV-7 naman po nagkaroon ng occassion Bday naman po ni NINO VILANUEVA, kahit na pansit at konting inuman lang ang handa nanging masaya naman kaming lahat ang daming biruan at nag pool pa kami sa harap ng bahay nina NINO yun nga lang po nagkaroon ng konting mis understanding between Mean and Arden muntik na nga kaming madamay ni Carl pero thanks GOD na ayos rin agad sa tulong ng tropa . . .
* We Found out na mya secret admirer si Carl sa loob ng room kasi ng maglipatan kami sa foods Laboratory pagbalik namin sa classroom may nadatnan sina Carl, Rogelio, Nante at SJ sa upuan ni Carl na sulat galing daw sa admirer ni Carl mukhang ako pa nga ang pinaghihinalaan ni gago but when he read a letter at tinanong ko nung kanino galing its came from a certain "tweety bird" at sa di ko naman sinasadya bigla akong napatawa ng malakas kaya nagtinginan sakin yung mga classmate namin, sorry! i can't help but to laugh dahil sa dami ba naman ng gagamitin ng admirer ni Carl na pangalan yung obvious pa na mahilig sa twetty bird na isang cartoon character at ang masaklap nakikisabay pa sya sa uso ah!! sorry sya kung sya si Tweety bird ako naman si Hello Kitty mas mahal yata si hello kitty noh mas sikat pa!! he he he he at ang mga hinayupak naming tropa selos lang daw ako kay Twetty bird hmp bakit naman ako magseselos eh yung sender na si "tweety bird" naman ang may husto kay Carl hindi si Carl . . .
CAT Tym na nang mapag-usapan namin ni Carl about " tweety bird " may hinala daw sya na isa sa mga babae sa unahan ang mag kagagawan nun, I asking him kung sino ang pinaghihinalaan nya and He told me na kung di daw si Felly, si Catherine, kung ganun pareho lang pala kami ng pinaghihinalaan si Catherine din kasi ang una kong naisip dahil si Catherine lang naman ang mahilig at ubod ng fanatic sa "tweety Bird things" at saka napapansin ko na mula nung maging closed kami ni Carl iba na yung tingin sakin nung mga babae sa unahan bukod sa nandoon pa si Neri . .
to be continue . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 161

After a couple of months ngayon masasabi ko I totally free, wala na kong galit, wala na kong sama ng loob @ higit sa lahay kung ano man yung sakit na nararamdaman ko noon nagsilbing ala-ala na nalang na nasakatan ako dahil finaly I admit may kasalanan rin ako kung bakit hindi naging succesfull ang mga second chance namin nina Jan at Mark . . .






Kay Jan, maybe dahil hindi kami open sa isat-isa, siguro kulang kami sa communication at sa simula palang alam namin na kulang kami ng tiwala hindi lang sa isat-isa kungdi pati narin sa pagmamahalan namin at sa relasyong namamagitan samin . . . . higit sa lahat kalaban namin ang buong angkan namin ang masakit pa hindi kami binigyan ng tadhana na maging magkaibigan after all happen hindi katulad namin ni mark na kung tutuusin dapat mas maging magkaibigan kami dahil mas matagal ang pinagsamahan namin pero siguro ganun talaga may mga taong di kayang makalaya at makalimot until they not totally recover . . .


Si Mark . . . actually I dont know, Our realtionship was so perfect, full of love, sobra pa nga full of trust kahit na may pagka possesive si Mark kung minsan pero ang maganda were open to each other at sa lahat ng nanging boyfriend ko kay mark ko nasasabi ang lahat, kay Mark hindi ko kailangan mag-suot ng maskara kaya masasabi kong Mark is not just my boyfriend he is also my bestfriend kaya mahirap para samin ang umaktong di sweet lalo na at nakasanayan na namin yun kahit na hindi na kami . . . kaya ng mabigyan kami ng second chance its to much hurt para sakin dahil kung kelan mahal ko na sya the way he love me b4 saka naman sya nagbago pero I understand lahat ng iyun thats part of his maturity pero too late na nang marealized ko yun dahil mas una naming na realized na mas okei kami bilang magkaibigan kesa mag lovers . . . .


>>>>> Nagyaya ang TROPANG IV-7 na maglakwatsa after school kaya nagpunta kami sa house ni Dhongs, walang ibang tao kaya ayun ang gulo-gulo namin, sina Erol, Art at William lang wala may MGA LAKAD DAW. . . For the first time nalaman ko na magaling palang magitara si Carl, sinabayan pa ng key board ni Rogelio, we all happy sa konting bonding lalo na ko I'm full of happiness dahil kahit na hindi namin solo ng dreamboy ko ang mundo masaya kami dahil magkasama kami, ang sweet nga eh magkatabi kami sa upuan habang nakasandal sya sa likod ko, ewan ko ba kung bakit masaya ako kahit na i know hindi normal ang relasyon namin ni Carl, walang date kung kailan naging kami basta alam namin nagmamahalan kami di man sabihin ipinakikita at ipinadarama naman namin sa isat-isa na importante kami . . . ah ewan basta masaya ko kapagkasama ko sya at alam ko ganun rin sya sakin . . .


Hapon narin kami nagsiuwian, Carl want na ihatid pa ko hanggang sa bahay dahil ako lang ang nagiisang papapunta ng Taytay at lahat sila sabay-sabay uuwi papuntang Angono, kasi si Arden lalakarin nalang daw nya yung pauwi sa kanila, pero sinabi ko kay Carl na okei lang ako halos 10 mins lang ang biyahe mula muzon hanggang sa bahay namin . . . kaya ayun kasama ko lang sya hanggang sa pagtawid at isinakay nya lang ako bago sya bumalik sa kabilabg karsada . . .


Kahit sabihing maraming kulang sa relasyon namin ni Carl, kahit na sabihing hindi normal katulad ng ibang relasyon wala akong pakialam basta ako masaya ako dahil iyon ang pinararamdam sakin ni Carl, only his smile make my whole day complete, sabihin mang korny pero makita ko lang si Carl sa umaga pagpasok ko masaya na ko at kahit magalmusal ng mura at sermon sa bahay basta nanjan si Carl okei lang, kaya nga tuwing darating ang biyernes nalulungkot na ko dahil araw na naman ng pagiging malungkot . . . .



~ ~ ALMA'S BDAY ~ ~


Kaya after school nagkita-kita kami sa house nina Alma, kasi nagsiuwian pa sila para magpalit ng damit, ako naman hindi na kasi paalam ko may duty ako sa CAT, ofcourse complete na naman ang araw ko dahil kasama ko ang dreamboy ko, sabi ni Alma bakit ko daw tinawag na dreamboy si Carl, i told her na sa lahat ng mga naging lovers ko si Carl lang yung madalas kong mapanaginipan, ewan ko ba kung bakit pero totoo yun, dahil kahit minsan hindi ko nakasama sina Ricky at Jan sa panaginip, makasama ko man minsan lang, si Mark naman madalang na eh puro yung bad pa napapanaginipan ko, pero kay Carl laging masaya yung dream ko laging nakaka-inspired laya I know I love him at simula ng i admit to my self that i fall for him ewan pero kaktwa man pero since that day lagi na syang kasama sa panagip ko kahit na anong mood meron ako bago matulog maganda parin yung gising ko dahil lagi kong kasama si Carl sa paggising koh!!



~ ~ LYCA'S 18TH BIRTHDAY ~ ~



Ayaw magpabongga ni Lyca ng debut kaya walang cotellion basta okei na daw sa kanya na sa bahay at may 18 roses at 18 candle wala naman daw kasing pupuntang relatives nya bukod sa mga closed friends ng mama at papa nya, when I ask Dianne about that sinabi nya sakin na hindi daw kasi gusto ng pamilya ng papa ni Lyca ang mama ng huli pero parehong tubong Mindoro, yung pamilya naman daw ng mommy ni Lyca hindi ganun kadaling makapunta sa manila dahil malayo na wala pang pamasahe. When I heard the story bihind Lyca's family I know kung bakit ang luwag ng pamilya ni Lyca sa kanya I mean may kalayaan si Lyca na gawin kung ano man ang gusto nia basta wag lang mapapabayaan ang paga-aaral . . sabi ko nga kay Diane buti yung father niya di galit sa mother ni Lyca dahil sa pagkakaalam ko magpinsan sila dahil magkapatid yung daddy niya at daddy ni Lyca then Dianne told me na pareho lang naman daw kasi ng sitwasyon, hindi na ko nagtanong ng kahit ano pa man masaya na ko sa nalaman ko kahit papano may isang parte ng buhay ng mga itinuturing kong mga kapatid ang nalantad sakin para hanaggan ko at pagkuhanan ko ng aral . . hindi man sabihin pero I know apektado rin sina Lyca at Dianne sa mga nangyayari sa pamilya nila pero ng makita ko na sumasayaw si lyca at ang papa nya i know how happy lyca was, at gusto ko syang kainggitan dahil sa kabila ng lahat maswerti parin si Lyca dahil kasama at kasayaw pa nya ang papa nya sa first dance ng pagiging dalaga nya dahil ako tangging pangarap at sa panaginip ko nalang makakasayaw ang daddy ko. . . . . .


Nanging masaya ang buong tropa ng gabing iyon may handog pa ngang dance number ang CYBER's at ang mas masaya IAN finally put his brain to his head dahil personal syang nagpaalam sa pamilya at sa daddy ni Lyca na mangliligaw at katulad ng inaasahan okei naman sa pamilya ni Lyca basta ang bilin wag muna ang pag-aasawa ang atupagin he he he he . . but there's a ultumate secret bihind that dahil 2 weeks ng on sina IAN at Lyca kailangan lang bumuwelo nung dalawa dahil you know tradition is tradition una muna ligaw bago ipakilalang bf na he he he saka kahit na hindi ganun kahigpit ang papa ni Lyca may konting pag-iingat parin para sa kanilang unica iha nagiisang babae kasi si Lyca sa apat na magkakapatid kaya after ng rebelation of LYCA and IAN na hot seat sina Cath at Jaypee dahil ka pansin-pansin yung pagiging closed nung dalawa lately, pero ayaw parin umamin nung dalawa talaga daw mag best friend lang sila . . SHOWBIZZZ


Pero ng masulo ko si Cath tinanong ko rin sya about sa real score nila ni Jaypee kasi baka nahihiya lang si gaga na magsabi sa maramihan pero talaga daw friends lang sila ni Jaypee siguro daw naggiging closed lang sila lately dahil sa kuya Ryan nia, and speaking of Ryan i asked narin kung anong real score between him and ANNE, sabi naman ni Cath crush daw ni Anne ang kuya nia noon pa pero di sya sure kung nanliligaw na si Ryan kay Anne, then Cath asking me kung nagseselos ba daw ako kay Anne at Ryan, i told her a big "NO" dahil ang totoo i'm happy for Ryan dahil finally after i broke his heart nakahanap na sya ng person na magpi-fixt nun para mahalin sya at mahalin nya kasi diba nga sabi nila " to heal a broken heart is to fall in love again ." Then Cath asking me Why daw she feel that I'm too much happy at parang totally recover na ko sa nangyari samin ni Mark, well I told Cath about Carl dahil ang totoo hindi ko alam kung bakit ganun nga ako kadaling nakarecover sa mga nangyari samin ni Mark, maybe because I know na hindi naman napasama yung break up namin, masama lang yung dahilan at pinag-ugatan pero maganda naman yung naging resulta dahil mas lalo laming pinatatag ni mark ng lahat ng mga nangyari at higit sa lahat mas tumibay pa ang samahan namin . . . but Cath give me an advice, na mas maganda daw kung may fomalidad yung realtionship namin ni Carl dahil kapag nagkataon daw ako ang talo sa huli lalo nat hindi pala iisa ang expectation namin sa relatioship namin ni Carl dahil wala akong pinanghahawakan pagdating ng panahon . . I know that pero ewan ko kung bakit mas kinakatakutan kong kausapin si Carl kung ano ba talaga kami, na what about us, as in mag-ano na ba talaga kami, para maging malinaw na samin ang lahat pero sa tuwing magkakaroon ako ng pagakakataon naduduwag ako for the first time natakot akong harapin ang multo ko, o mas tamang sabihing natatakot ako na malaman ang totoo at muling masaktan . . . .


4AM na kami umalis sa house nina Lyca, naiwan si IAN dun para tumulong sa pagliligpit dahil yung mga kolokoy na kasama namin hindi na kakayanin magligpit dahil mga lasing na kaya sa Villages na kami nagpasyang matulog at magpaumaga . . . Sa house na nina Mercy kami nakitulog ni Mark at ginamit naming lahat yung pinakamalaking guestroom na may dalawang kama at yung iba naglatag nalang ng comforter sa carpet . . . . .Nang makahiga na kami ni Mark, he asking me about sa pinag-usapan namin ni Cath kanina, he say sorry pero di naman daw nya gustong makinig sa pinag-uusapan namin ni Cath kaya lang nanglalapitan nya kami para alukin daw ako ng calamares narinig nya yung tungkol kay Carl kaya no choise ako kungdi ang ikwento narin total sasabihin ko narin naman sakanya one of this day pero kumukuha lang ako ng bwelo . . I know I hurt Mark once again, pero mas okei na ang mga nangyayari samin ngayon dahil kung hindi kami naghiwalay baka di lang ganung kasakit ang maramdaman namin sa isat-isa . . . I hug Mark at tulad ng madalas naming ayos tuwing matutulog nakaunan ako sa dibdib nya habang magkayakap kami. Mark told me na I need to stop my crazyness with Carl, masasaktan lang daw ako dahil kung walang formalidad na kami nga ni Carl at di kayang ibigay sakin ni Carl ang assurance about sa real realtion namin mas mabuti pa daw na ako na kumalas at ako na ang magtapos until hindi pa ako nasasaktan o masasabing tuluyang nahuhulog sa pagmamahal ko kay Carl, but i doubt sa huling sinabi ni Mark, dahil I think huli na para kumalas pa ko kay Carl dahil hindi lang ako hulog na hulog sa nararamdaman ko para kay Carl dahil I know i can't let him go ng ganun nalang dahil mahal ko na sya at di ko kayang putulin at tapusin ang kahibangan ko dahil masaya ako sa piling ni Carl kahit pa wala akong kasiguraduhan sa lahat ng mga nangyayari . . . .


to be continue . . .