Saturday, January 3, 2009

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 179



♥ ♥ . . . . . . NEW YEAR EVE . .... ♥ ♥
♥ ♥ . . . . . . MIX emotion kaming lahat ngayon di kasi namin alam kung ano ang mararamdaman like CHRISTMAS this is the first NEW YEAR na wala si LOLO. Last year kasama namin sya and nagbanggit pa sya ng di makakalimutang statement na sana daw on the next year kasama pa namin sya. Pero di yun pinahintulutan kaya nga di na namin sya kapiling ngayon. Lst year din masaya kami dahil nandito si mommy, nagreunion pa nga kami, nagparlor games at nag exchance gift. EWAN ko ba bakit of all occasion lagi nalang may bahid na kalungkutan dahil kulang na kami at di na kaylan man mabubuo pa. . . .
* * * * * Maaga palang nag long distance na si MOMMY lahat kumausap, lahat may pabilin, ah ewan ko yun lang naman mahalaga sa kanila material na bagay kahit na magkalayo pa kaming lahat. Syempre kung may sad moment may happy moment dahil kahit na kulang sama-sama parin kaming sumalubong sa bagong taon. Nagpaputok kami ng loses at sabay sabay kumain. Naggagalitan pa nga eh tumalon daw ako para lumaki he he he sako ko ayuko nang lumaki kasi ito ngang maliit pinagkakaguluhan palalakihin nyo pa ko he he he he. . . .
Bandang 1am habang nagkakasarapan ng kwentuhan nina ROCEL habang kumakain ng medja notche I heard na nagring yung phone kaya tumakbo na ko sa loob dahil tulog na sina lola. Buong akala ko si JAN dahil di pa kami nagkakausap ng personal mula noong christmas pero si MARK pala akala ko wala ng balak na batiin ni MARK dahil lumagpas na yung 12am kaya di ko inaasahan na sya ( eh bakit asa ka pang si JAN eh never naman tumawag yun sayo na di mo pinatatawag) yah right!!! When I asked MARK bakit sya napatawag di daw nya ko matiis na di tawagan di daw sya makatulog na di nya ko binabati. BUSY daw kasi yung linya kanina kaya di nya ko nabati agad (HMP ASUS KILIG NAMAN) ewan ko ba kung ano na naman ang nakain ni MC at ang kulit-kulit sabi ko nga baka lasing lang sabi nya di daw sya uminom (hmp totoo kaya) at ayaw pa kong tigilan na di daw nya baba yung phone ng di ako pumapayag na makipag kita sa kanya bukas kyna MICHEAL miss na miss na daw nya kasi ako kaya ayun ng matigil lang umu"OO" nalang ako, Pero infairness ah miss ko rin sya promise!
Katakot-takot na paalamanan ang nangyari bago ibaba ni MARK yung PHONE ayan tuloy ng bumalik na ko sa tambayan nagyayaan na yung mga uluktong na matulog ehe he he he kaya tulugan blues. . . . . ♥ ♥
HAY GOODBYE 2000
HELLO 2001
to
be
continue . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 178

♥ ♥ . . . . . . Nagsimba muna kami dahil nga di kami pinayagan magsimba kagabi kaya ngayon kami nagpunta sa simbahan bago ma masko he he he. I saw there yung dalawang kapatid ni JAN na sina BEBE at BUNSO kasama sina MAMA at PAPA. Tulog pa daw kuya nila kaya di nila kasama saka I know naman na nakapagsimba na si JAN kagabi pa. Hay buti pa ko tanggap ng mga magulang ni JAN pero si JAN ewan pangalan nga lang kumukulo na ang dugo ng mga tita ko yun pa kayang matanggap sya asa pa ko. . . . . ♥ ♥

♥ ♥ . . . . . Naging HAPPY naman yung CHRISTMAS ko kahit papano, naglaboy kasama nga pinsan ko syempre namansko ko sa nga close family lang tanda ko na no para mamasko sa mga ninong at ninang ko he he he. LUNCH time na ng makita ko si JAN, WALA lang hanggang ngitian lang well masaya na naman kami (SYA) ng ganun lang atleast tahimik diba. Minsan nga gusto ko ng maguilty kay JAN pero ewan ko ba I know naman na di ko na kayang mahalin si JAN katulad ng pagmamahal ko sa knaya before pero bakit di ko magawang bitawan sya siguro dahil alam ko si JAN nalang amg meron ako kapag nawala na ang lahat.

* * * * * Alas-dos na ko nakahanap ng tiyempo para makatakas. Tinawagan ko Micheal kung pupunta sa Villages dahil taon-taon naman nagkikita ang tropa tuwing pasko buti nalang paalis na si gago kaya nagsabay na kami.

Asual dating gawi billiard, pocker, video oke, kainan at inuman ang inatupag ng tropa. Si Mark ang unang lumapit sakin dahil di ko kayang ako ang unang bumati sa kanya after na pagtakpan ko kung ano man yung totoong nararamdaman ko noong christmas party, natatakot akong maisiwalat ko pa ang totoong damdamin ko ganung alam kong masasaktan ako kahit anong gawin ko. MARK asked me kung bakit di ako nagpasundo sa kanya sabi ko nakahanap lang ako ng tiyempong makatakas. Ewan ko kung tama nga ba ang ginagawa ko o tamang sabihing nararamdaman ko dahil habang magkausap kami ni MARK parang ang gaan ng pakiramdam ko bakit parang ang saya-saya ko kahit alam kong masasaktan lang ako dahil patuloy akong aasa at aasa sa wala. I know that i need to let go this feelings pero bakit ganun sa tuwing gagawin ko sinusubukan ko palang pakiramdam ko may pwersang humahatak sakin pabalik kay MARK.

Ewan BAHALA na importante masaya ako. Sorry to JAN and SORRY to MARK I know im being unfair for both of them pero ano mang gawin ko di ko alam kung bakit kahit isa sa kanila di ko kayang mapakawalan hindi naman siguro masama kung minsan maging mali para maging masaya, di naman siguro kalabisang kung minsan isipin ko naman kung ano yung magpapaligaya sakin.

Si Mark ang naghatid sakin pero sa PLAZA nalang ako nagpababa ayaw pa ngang pumayag ni gago baka daw kasi maraming lasing sa dadaanan ko pero kinumbinsi ko kaya ayun pumayag rin si LOKO. Ewan ko ba why ngayon ko lang narealized kung gaano kahalaga si MARK sakin kung kailan di na tulad ng dati ang nararamdaman nya para sakin. Sa kaswertihang palad nakaslubong ko sina CHEENEE galing sa BF nya he he he kaya ayun may palusot ako.. . . . ♥ ♥

♥ ♥ . . . . . . . . . CHRISTMAS NIGHT . . . . . May kainan sa side ni lolo kaya doon kami kumain sa mga lola LIDJA syempre madaming santa claus he he he. Afer that nagpunta kami sa stangje konting tingin-tingin bumili ng t-shirt then umuwi na ulit kasi ang daming tao ayuko pa naman ng too much crowded di ako makahinga. . .

Habang naghihintay ng cerfew nagkwentuhan muna kami nina ROCEL, VEEJAY, RICKY, CHEENEE, MINALOYD, JANICE,ROSE ANNE and GRACE napadaan nga sina kuya JHUN, KUYA EXOR at KUYA OLAN kasama si JAN. wala lang asual ngitian lang. Hay buhay ang hirap umibig sa taong di kayang tanggapin ng lipunan para sayo. . . . . ♥ ♥

♥ ♥ . . . . . . GOING TO MALL . . . . . . .♥ ♥

♥ ♥ . . . . SYEMPRE after christmas kailangan lustayin ang kinita he he he kaya nagpunta kami sa mall with my two brother, ARDIE kuya NOVER, CHEENEE, SHEN, Tita ITCHA and TITA JEJE. wala lang bimili ng mga sale. Nag window shoping at nag laro sa world of fun. After that dapat manonood kami ng SINE kaya lang ang daming tao kaya kumain nalang kami at umuwi . . . . . . ♥ ♥

♥ ♥ . . . . . . BORING DAY . . . . .ewan ko ba kung anong mayroon sa araw na ito last year nangyari yung insidente na muntikan ng magsira samin ni MOMMY dahil kay JAN, ito rin yung petsa na nagsimulang masira at lumiko yung buhay ko at ngayon boring dahil maghapon lang ako sa bahay. Wala akong maga kungdi ang kumain, matulog at manood ng TV. Gabi na ko lumabas syempre kwentuhan with all may kaututang dila o tamang sabihin BRIDGE namin ni JAN, and speaking of JAN i saw him lang sandali dahil may reunion yata sila. Nawala lang yung pagkabagot ko when kuya JHUN and kuya EXOR came at nakipagkwentuhan samin.

* * * * * AFTER dinner Mark call ahhhhhhh eto na naman po si MR.MARK CHRISTOFFER SALVIRON panay na naman ang pacute. Pa ano na miss daw nya ko dahil kahapon tawag daw sya ng tawag pero wala daw ako. hmp if i know na boboring lang si MC dahil di sila pumunta ngayon sa L.A katulad last year madami daw kasin kailangna ayusin yung papa nya. Sa kasamaang palad minsan yung puso ko gusto na namang magpadala, gusto na namang sumakay sa lahat ng matatamis na salita mula kay MARK. Ewan ko ba aaminin ko naman na hanggang ngayon since marealized kong mahal ko si MARK mahal na mahal ko parin sya sa kabila ng lahat ng mga nangyari samin. Pero na tatakot ako kung magpapatuloy to' walang pinagkaiba ang sitwasyon namin ni MARK ngayon sa naging sitwasyon namin ni CARL dati. Wala kaming commitment sa isat-isa, walang linaw samin ang lahat ni wala kaming pinag-usapan na kami na. Paano kung katulad ng kay CARL masaktan din lang ako, na all i know there's someting between us pero ayun pala wala dahil iba ang sinasabi ng puso sa kinikilos ng katawan. AHhhhhh ewan siguro nga pinanganak ako para masaktan lang at di para lumigaya. . . ... . Natapos ang pag-uusap namin ni MARK sa puro kakulitan ah ewan ko sa tukmol na to' kakainis pero nakakakilig naman. . . .

Dahil vacation naman kaya may laya kaming tumambay hanggang alas-dyes ng gabi. Kaya yung dalawa kong utol ayun sa labuyan, AKO di pweding lumayo dahil mayat-maya may dumudugaw samin kung nasa tapat nga lang ba ko ng bahay namin syempre kwetuhan lang with kuya JHUN, mga pinsan kong magaganda he he he and syempre kahit sa malayo kay JAN dahil pwedi lang kaming mag-usap sa mata pero ok na rin yu atleast wala nga namang gulo, preho-pareho kaming tahimik dahil kung katulad parin ng dati ang lahat panigurado lagi parin akong nasa kulungan. . . . . . . ♥ ♥

to be continue



Monday, December 29, 2008

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 177



♥ ♥ . . . . Dahil sa haba ng paalamanan ng tropang IV-7 alas mag-aalas kwatro na ko nakarating sa VILLAGES buti nalang maaga pa para sa 6pm na call time. Sina JANNETH and DIANNE ang nadatnan kong naghahanda. When I asked kung nasaan si MARK di paraw nila nakikita since kaninang umaga, sina JEN and VINCE naman raw may pinuntahan lang sandali.


♥ ♥ . . .. . Mag-aalasais narin ng dumating isa-isa ang tropa kasama na roon si MARK, when I asked him where he had been, sinamahan daw nya si CHRIS na ibili ng gift si CHERRY.

* * * * * Naging masaya naman yung party, puro katarantaduhan, katuwaan, may konting parlor games na may halong ka-naughtyhan, grabe buhay teenager nga naman.Pero sabi nga nila lahat ng saya may kaagipay na lungkot. Ang maghapon kong saya nabahiran ng sakit. I heard CHERRY na tinatanong si MARK about us ng kumukuha sila lang pagkain sa buffet table. CHERRY asked MARK kung totoong wala na kami dahil nagtataka daw sya kung bakit parang ang sweet-sweet parin namin sa isat-isa. I dont know why I need to be hurt when I heard na t"talaga lang daw ganun kaming ka-sweet sa isa-isa" sabi ni MARK at mas lalo akong nasaktan when I heard na sinabi ni CHRIS na " di daw tanga si MARK na muling kumuha ng punyal na itatarak sa sariling dibdib nito" and it was so hurt na makitang tumawa lang si MARK pati sina CHRIS and CHERRY. I know wala akong karapatang magalit o even ang masaktan dahil sa mga narinig ko pero anong magagawa ko tao lang ako nasasaktan din. Pero tama na man si CHRIS tanga kung babalikan pa nya yung taong nanakit sa kanya.


* * * * * Nahirapan akong itago kung ano man yung tunay na nararamdaman kaya pinasya ko munang lumabas. Doon ko iniyak yung sakit na nararamdaman ko. Inaamin ko namang may kasalanan rin ako sa mga nangyayari, ako yung unang nanakit kay MARK pero di pa ba sapat yung makita ko syang nakikipaghalikan sa ibang babae para mapagbayaran ko kung ano man yung kasalanan ko sa kanya.


Nang umabas ako I didnt expect na sinundan ako ni MARK, He asking me kung bakit ako umiiyak, dahil inabutan nya kong nagpapahid ng luha. Pero nagbulaan ako dahil ayuko na maging kaawa-awa lalo na sa mata ni MARK. Nagdahilan nalang ako na napuwing ako. I know MARK didnt buy that alibi pero para makaiwas nalang muli nalang akong pumasok sa loob.
Nang mag-uwian MARK asking me na sya na lang daw maghahatid sakin but I told him . ITS OK ako nalang uuwi na mag-isa. I know MARK wonder why suddenly nag iba yung mood ko pero mas ok na yun kesa naman ikompronta ko sya tapos ako rin naman ang talo. CATHERINE ask me kung my problema pero sabi wala medyo napagod lang ako . . . . . . ♥ ♥
♥ ♥ . .. . . . I spend my CHRISTMAS VACATION with cousin, AHO at syempre ang GDR YOUTH CLUB kasama sina VEEJAY, RICKY and MENALOYD of course with JAN.
* * * * * Ok naman kami ni JAN sa buong simbang gabi dalawang beses kami nagkasama. Kailangan kasi namin ng konting ingat lalo na ngayong madami na naman ang nakakaalam na nagkabalikan na kami. Ewan ko ba kung bakit di nalang ulit si JAN ang mahalin ko atleast when I get hurt alam ko na kung ano yung pakiramdam, i know na kung paano ko gagamutin yung sugat. Di tulad ng kay MARK, minsan lang nya ko masaktan bukod sa malalim na ang hirap pang gamutin dahil MARK didnt teach me to heal his own wond tinurian lang nya ko kung paano sya mahalin at di kung paano masaktan.
Bakit nga ba ganun ang buhay, pagdating sa pag-ibig kahit na alam nating masasaktan tayo sumusugal parin tayo kahit na alam nating maari tayong matalo. . . . . . ♥ ♥
♥ ♥ ♥ ♥ < < < < CHRISTMAS EVE > > > > ♥ ♥♥ ♥
♥ ♥ . . . . . Hindi ako pinayagan ng mga FOLKS kong magsimba ng mismong 24 ng gabi dahil magulo daw baka daw mapaano kami kaya ayun kahit na kay JAN or kyna VEEJAY di ako nakasamang magsimba. Pero happy naman eh kasi sama-sama kaming naghanda ng mga kapatid ko, Tita ko, LOLA ko at mga pinsan ko.
* * * * * MARK call me after dinner he just greet me a MERRY CHRISTMAS syempre he asking me about what happen noong christmas party dahil sa bigla kong pagbabago ng mood pero muli akong nagkaila kay MARK dahil alam kong mas lalo lang akong masasaktan kapag nalaman nya yung nararamdaman ko dahil sa mga narinig ko. Kaya pinanindigan ko nalang yung sinabi kong masama talaga yung pakiramdam ko.
Pero bakit ganun buo na yung loob ko na iiwasan ko muna si MARK until na mawala kung ano man yung infatuation na nararamdaman ko for him pero bakit sa tuwing babalakin ko yun lagi nalang dumarating si MARK para magkaroon ako ng pag-asa, pag-asang magkakaroon pa ng "KAMI" MARK told me na di sila pupunta ng L.A this year para sa kuya nya dahil madaming kailangan gawin ang papa nya sa office laya nakikiusap sya na sana kahit na man daw minsan magkita kami sa buong christmas break ewan ko ba kung bakit ganun si MARK kahit na di ko gusto kinilig ako at aaminin ko nawala kung anuman yung hinanakit na meron ako sa kanya dahil sa mga naririnig ko. . . . . . . ♥ ♥
to be continue . . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 176




♥ ♥ .. . . . JAN and I going to church. .. . since the simbang gabi started ngayon lang kami magsisimba ulit with GARRY, JHUN-JHUN, ROCEL, ROVINA, JANICE and ROSE ANNE with MINALOYD and CHEENEE, si BEST kasama ni LEN kaya di samin nakasama . . . Syempre konting ingat parin dahil mahirap na baka may makakita samin ulit . . . Ganun parin naman kami sweet kaya lang this time konting kilig lang ewan ko kung bakit pero iyon yung nararamdaman ko kung di nga lang sa mga katarantaduhan at kakwelahan ng mga kasama namin baka na boring pa ko. AHHH KATHRINA SODEL kailan ka pa na boring kasama si JAn . . .. !!!!!!! . . . ♥ ♥
♥ ♥ . . . . . Late na ko pumasok kasi I know naman na may activity lang sa school laya sa IA room kami naglungga kaya happy parin dahil kahit di pa ayos yung problema namin ni CARL nakakalimutan ko na kapag nagsimula na ng kalukuhan ang TROPA. . . siguro hahayaan ko nalang muna naganito ang sitwasyon, ipapaubaya ko na sa tadhana kung kailan nya kami pagbabatiin ni CARL. .. . hindi ko kasi alam kung humilom na nga ba ang sugat sa puso ko o natatabunan lang ng saya dulot nina MARK at JAN. Kahit papano nagpapasalamat ako sa TROPANG IV-7 dahil kahit na gusto nilang magtanong about what happen samin ni CARL they just let me kung kailan ko gustong sabihin sa kanila. Thanks also to CHRISTIAN kahit na di sinsadya nakatulong sya para iwasan ko na si CARL at iwasan narin ako ni CARL.
* * * * * Dahil wala ngang magawa pinauwi na rin kami kasi bukas narin yung CHRISTMAS PARTY. . Nagulat ako ng daanan ako nina CHRISTIAN, ZALDY at DANIEL sa IA room niyayaya akong magmall dayo daw kami ng BILIIARD hindi ko nga alam ang isasagot ko kasi nandoon pa naman sina NANTE, ROGELIO at CARL "OO" nga sana ako kayalang i remember na tutulungan ko sina JEN to prepare some food dahil bukas din yung CHRISTMAS PARTY sa Villages kaya sabi ko next time na lang ako sasama. I saw na bumulong si CARL pero di ko maintindihan kaya naasar ako lalo na nung makita kong nakangise sya saamin na para bang nang-aasar. "hmp if i know selos lang sya kay CHRISTIAN! " ( asa ka pa!! ).

Kahit na di ako sasama sa mall sumabay narin ako kayna ZALDY, DANIEL at CHRISTIAN umuwi. Bago ako sumakay ng jeep humirit pa ang mga mukong may date lang daw ako kaya ayaw kong sumama sa kanila, sira ulong CHRISTIAN sabi ba naman "selos daw sya" kaya binalikan ko si gago ng biro na " konti nalang sasakay na rin ako sa mga chistmis tungkol samin" aba akalain mong sabihin ba namang " ikaw lang naman ang ayaw sakin eh" hay naku nguniti nalang ako at pumara bago pa kung saan-saan mapunta ang usapan. . Habang nasa biyahe ako naisip ko kung ano ba tong mga nangyayari . . I dont know kung bakit ganito si kupito parang kaylan lang kinuha nya sakin si MARK at si JAN, pinalit nya si CARL at bumalik ulit si MARK tapos ng bumalik si JAN si MARK at CARL ang nawala ngayon naman nanjan na si MARK nasa akin na ulit si JAN tapos gusto pa yatang dagdagan ng CHRISTIAN ahhhh ewan ko ba . . .

♥ ♥ . . . . . . Pagbaba ko sa jeep nagtaka ako when I saw MARK and ANDOY sa labas ng MEDICS. . . ng tumawid ako I make a sign to ANDOY na wag maingay kay MARK. Tinakpan ko yung mata ni MARK pero nahulaan agad ako ang duga . . ayun pala nakikita nya ko sa tiles na nasa harapan nya. i asked them why nandoon sila sabi ni ANDOY nasa loob daw kasi sina JANNETH at JEN, nag-alala tuloy ako pero MARK said na hilo lang daw si JEN kaya nagpapatingin sa loob sabi ko naman baka buntis. Tuktukan ba daw ako ni ANDOY dahil sa sinabi pero ginanti naman ako ni MARK he he he kasi daw kung ano-ano sinasabi ko baka daw may makarinig eh magalit si JEN. Nang lumabas yung kambal nalaman namin na bumaba lang daw ang dugo ni JEN tapos gutom pa kasi nagdi-diet he he he he I asked JEN yung biro ko kay ANDOY kaninana buti nalang di nagalit si gaga kakaroon lang daw nya noh he h ehe he well kala ko lang naman he he he he . . .Naging ok naman si JEN kaya ayun kahit naong pilit namin ni JANNETH na wag ng tumulong eh nakidutdot parin para sa paghahanda ng food para bukas.
* * * * * Hay naku ok na ang lahat minus CARL . . pero alam ko maayos rin iyon . . . Ang bilis ng panahon noh, parang kaylan lang DECEMBER tapos ngayon magpapasko na naman he he he . . .♥ ♥





♥ ♥ . . . . . Ok naman ang party kahit walang masyadong program, kainan at tawanan lang at kwentuhan ok na kami. Naubos nga agad yung film ko kaya wala na kong gagamitin mamaya sa CYBER ok lang magpapa recopy nalang ako sa may camera he he he pano ba naman puro shot ng shot ang mga kasama ko he he he . .


* * * * * I didnt see Carl buong program I dont know kung di ko lang sya nakita or wala talaga sya dahil busy ako sa picturan namin nina ARTHUR at ERROL kasama ang buong tropa. Di narin kami nakapag-usap ni CHRISTIAN ng matagal nagbatian lang kami tapos umalis na rin sya may lakad yata sila ng tropa nya at mga classmate. Nagyaya sina ERROL pero di ako sumama kasi kailangan ko pang pumunta sa VILLAGE para naman sa Christmas party ng CYBER.

Before 2pm nagsiuwian narin kami. Sabi nga ni ARTHUR kanya-kanya muna kami kasi nga naman may kanya-kanya kaming lakad. Si ERROL at LIZZETH magda-date nalang yata. Si Dhongs kasama yung gf nya. Ewan saan lakad nina MEAN at ARDEN kasi si ARTHUR naman kasama sina Rolly may inuman yata sila and I am sure kasama si MANUEL doon kaya dilang ako sumama ng niyaya ako ni ART. Tama na minsan na kasi kaming nagkasakitan ni MANUEL at baka maulit lang uli yun kung magkakausap pa kami. . .

Sa Haba ng paalaman namin sa isat-isa isang oras na yata kaming nag go-goodbye sa isat-isa di parin kami nakakaalis sa pwesto namin hay grabe puro kasi kalukuhan kaya di magkahiwa-hiwalay . . .







to be continue . . . .

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 175



♥ ♥ . . . .Hindi ko alam kung bakit di ako makatulog siguro dahil excited lang ako or maybe i was too scared na may magising mamaya at di ako payagan magsimba. AHHHH ewan ko why i have this feeling na para bang wala akong ginagawang masama. They said when i follow my heart i'll be happy pero ilang beses ko ng sinusunod kung ano ang tibok ng puso ko pero in the end i always failed and get hurt.

. . . . 3AM sharp I call MARK Ewan ko kung talagang hinihintay nya yung tawag ko dahil sya na mismo ang nakasagot ng phone. After a couple of min lumabas na ko at nag-abang sa dulo ng Victoria. Natatakot nga ako na baka may makakita sakin pero before that happen dumating na si MARK.

. . . . . Sa SAINT CLEMENT na kami dumiretso nandoon na sina VINCE, JEN, ANDOY, JANNETH, CATH, RYAN and ANNE kasunod naman naming dumating sina MICHEAL, JAYPEE, LYCA, IAN, RANDY and DIANNE. Pumasok muna kami ni MARK sa loob ng simbahan para magmano sa mama at papa nya dahil di pa naman magsisimula yung misa. We saw also yung mga magulang nina VINCE, ANDOY and RANDY kaya nag bless narin kami. When we get back sa pwesto namin nandoon na sina CHRIS and CHERRY with other girl na sinisimulan ipakilala ni CHRIS sa tropa. Nang makita kami ni Chris he introduce AIRENE to me and MARK. Chris told MARK na si AIRENE yung sinasabi nyang pinsan ni Cherry na nag-aaral din sa FEU. I dont know kung bakit iba yung pakiramdam ko. Hay here I am again ewan ko ba kung bakit pagdating sa mga nagiging karibal ko or karibal ko ang lakas ng pakiramdam ko. Para kasing sa kilos palang nung girl parang may motibo na why CHRIS introduce MARK to her. Ahhhhhhh ewan wag naman sana bago palang po kami nagsisimula ulit. Sana naman hindi i know CHRIS didnt do this to me. . .



Pinilit kong itaboy sa isip ko kung ano man yung mga bagay na nagsasalimbayan sa utak ko. At tuluyan yun naitaboy ng yakap ni MARK mula sa likod ko after he put his own jacket sa balikat ko. Habang nagmimisa I pray na sana wag na nyang alisin yung mga braso ni MARK sa balikat ko. How I wish kung ano man yung kaligayahan nararamdaman ko that momment maging permanente na o kahit manlang magtagal. I also pray na sana totoo ang sinabi ni TITA DOROTHY na kung sino yung tao nakasama mo sa unang simbang gabi ay syang taong makakasama mo habang buhay. Sana nga si MARK na yun dahil finally i found the man that i can tell na kaya akong mahalin the way my FATHER did. . . . . ♥ ♥


♥ ♥ . . . . . After the MASS sa tindahan kami ng nanay ni CHRIS tumuloy dahil may pwesto ng putobumbong yung mga magulang at kapatid ni CHRIS malapit sa simbahan. . . . hay grabe di magkamayaw yung nanay at ate ni CHRIS sa tropa dahil ang sisiba lalo na yung mga lalake. ANDOY asked me kung bakit di ako nakikigulo sa kanila. Sasabihin ko na sanang " kung sa inyo lang di na magkamayaw yung tindera sasali pa ko" pero before i say that may umakbay na sa likod ko (MARK) at sabay sabing " di yan kumakain na puto sumbong kasi mukhang ano daw ng aso " sabay tingin sa pangbaba nya. Bigla tuloy nagtawanan, Kainis talaga tong si MARK napasimangot tuloy ako pero arte lang iyon. Inamo naman ako ni gago he he he sweet nga eh kasi binili ako ng bibingka. AHHHH Mark Christoffer SALVIRON ano na naman tong ginagawa mo sa puso ko. . . . . ahhhhhhh sana ganito nalang lagi . . . .



. . . . . Nang mabusog ang tropa nagpahinga lang ng konti pero nauna na kami ni MARK na magpaalam dahil I know may gising na sa bahay namin at magliliwanag na. Kung sino man ang nagsimba sa bahay panigurado nandoon na yun. Ewan ko pero sabihin mang balimbing ako, taksil, o kahit na ano pa mang nais nilang itawag sakin iisa lang ang masasabi ko " THIS IS THE MOST MEMORABLE NA SIMBANG GABI KO " aaminin kong wala ito sa simbang gabi na pinagsamahan namin ni JAN pero ito yung simbang gabi na di lang ako masaya kung di natapos ko yung misa na di ako nangangamba na baka may makakita sakin. Maybe siguro nga kaya ang gaan ng loob ko dahil I know no one can show me with MARK wala akong aalahanin na baka pag-uwi ko may another sermon na naghihintay sakin. Sa VICTORIA ulit ako binaba ni MARK thanks GOD walang dumadaan. Mark kiss me at my cheeks bago pa ko makaiwas kaya wala na kong nagawa kung di ang mailing. Hay my MC talaga. . . .



. . . . . Buti nalang SATURDAY kaya walang pasok nagtulog ako pagdating sa bahay. Nang magising ako nagluto ng tanghalian syempre baka mamura ng mga dragon, naglinis ng room ko at naglaba. Hay kahit pagod magaan parin ang feeling ko. Kinagabihan naman nagkwentuhan kami nina KUYA EXOR at KUYA JHUN. I saw JAN nakapag-usap kami kahit ilang minuto ng dumaan sila habang magkakausap kami nina KUYA. Nakakatuwa nga magkausap kami pero di kami magkaharap at di namin tinitingnan ang isat-isa pero ok narin atleast walang gulo, tahimik at payapa. . . . ♥ ♥


♥ ♥ . . . . Hindi narin ako nakapag simbang gabi dahil di ako nagising. Late narin kasi kami nagkahiwa-hiwalay nina KUYA lalo na ng dumating pa sina ROCEL sa tambayan. Hapon naman nagpunta kami sa bagong simbol dahil birthday ng pamangkin kong biik he he he na si YEYE ka-bday sya ni mommy kahapon pero ngayon lang gaganapin. Kahapon ko pa nabati si mommy ng tumawag sya samin. Well kahit papano after all happened may mga bagay na pinasasalamat ko na ginawa ni mommy for me, siguro noon di ko naiintindihan pero ngayon I know thats for may own sake. Hay kailan kaya magce-celebrate kami ng isang occasion na magkakasama na kami nina mommy, sana nandoon din si DADDY . . . . ♥ ♥

♥ ♥ . . . . . May Christmas program kaya walang classes. I watch DADONG and MANUEL with JAMES wow may talent rin pala si MANUEL sa ACTING at sayaw . . hay buhay look dati halos di kami mapaghiwalay nina DADONG, RICKY, ABE at JOEY pero ngayon may kanya-kanya na kaming mga kaibigan. Pati " PARTY MOVERS" mukhang nagkawatak-watak na dahil magkakaiba na ng section sina RICKY, JOEY at DADONG sabi nila di pa naman daw buwag medyo pahinga lang. well thats life siguro iyon nalang talaga yung propose mg bawat isa samin. Its a short but memorable friendship. Saka we still friends pa naman di naman porket di na kami pagkakasama di na kami magkakaibigan dumarating lang siguro yung time na we need to separate to looking forward for another path of life. Kaya nga sabi nila " CHERISH EVERY MOMENT" dahil maybe yung taong kasama mo ngayon bukas iba na ang kasama he he he he . . .



* * * * * Dahil maaga ang uwian sa Villages ako tumuloy. Si Janneth lang ang nadathnan ko sa house wala si JEN kasama daw ng mga classmate nito, When I asked ANDOY sabi nya nasa basketball court daw kasama yung iba naglalaro. When I asked kung bakit di sya kasama sabi ni JANNETH mainit daw. HMMP oo nga naman he he he " wala lang akala ko kasi may WAR" when Janneth heard what I say natawa si gaga sabay sabing "ano kami tulad nyo ni MARK kapag magkalayo may LQ kapag wala "sweet-sweetan" natawa na lang ako sa comment ni JANNETH kasi totoo naman iyon eh he he he. . . .

* * * * * Habang hinihintay namin yung mga kulokoys madami na kaming napagkwentuhan ni JANNETH, then DIANNE and ANNE came kasama si RANDY, ng malaman ng huli na nasa basketball yung mga lalaki iniwan kami at sumunod sa court. Kwentuhan ng kung ano-ano. Ang saya nga eh puro okrayan ang okrayan he he he . . . . After a couple of hours dumating na ang mga kurimaw pro basa ng pawis at sira ulong MARK yapusin ba daw ako, , di ko tuloy naiwasan sabihan ng "KADIRI" kasi ang lagkit pero inamo ko rin naman after sabihan ako ng suplada he he he . . hay MARK bakit ba ganyan ka aaaaaaaaahhhhhhhhh kapag ganyan ka ng ganyan maiinlove na naman ako sau hinayupak ka . . . Nagpasama si MARK magshower then sa bumalik kami para maglunch wala kasi si TITA DOROTHY . . ang sweet nga hinayupak na si MARK sa isang plato nalang kami kumain at sinusubuhan pa ko he ehe he kilig naman ako . . . Ewan ko ba sa kulokoys na to' this past few days nagiging sweet na naman sakin . . hmppp pero okei narin yung ganito kesa naman yung nagkakailangan kami, di nagpapansinan, parang stanger sa isat-isa like last month . . .

After LUNCH, naglaro yung mga boys ng billiard kami naman ng mga girld UNO then dumating si RYAN to pitch ANNE may birthday daw silang pupuntahan, ayun nagkayayan tuloy na umuwi na. Si JEN pumasok sa room ginalit pa nga ng mga kulokoys na ingit lang daw kasi walang partner si VINCE kasi nasa school pa. Sumunod naman sina ANDOY at JANNETH pumanik sa taas "iwan ba daw ang bisita" then RANDY and DIANNE uwi narin daw sila kasi matutulog rin "DAW" sila he he ge then i saw MARK stare at me kami rin daw mag sisiyesta sabay hatak sakin pauwi sa house nila he he he. . .



♥ ♥ . . . . . When Mark and I laying to his bed Mark starting to be crazy, ewan ko kung bakit bigla-bigla naisipan ni gagong mag- drama he he he he Mark said na sana daw lagi ganito ka peacefull ang lahat, masya, maingay man daw pero walang away o gulo. I told him na bakit naman nya nasabi iyon. He said wala lang daw masarap lang daw sa pakiramdam na walang iniisip na problema. Pero ko pero Mark getting wired and ngayon ko lang sya nakitang ganito ka serious at kaseryosong kausap. Its good naman talaga na walang iniisip na problema . .

well sana nga, I hope wala na nga????

* * * * * I getting sleepy kaya yumakap nalang ako sa nagsesenting si MARK habang si gago patuloy parin sa pagdradrama he he he he . . Mark weak me up o nagising lang ako when he kiss me. I asked him what time na he said 4pm. MArk Hug me tight I dont know kung para saan iyon pero di na ko nagtanong dahil parang gusto ko na ring sumaang_ayon kay Mark na sana nga ganun lang kami, sana parati nalang masaya. Sana kung ano man yung bumabalot na kaligayahan samin sa mga oras na iyon maging permanente nalang. Ewan basta I feel im in heaven basta kasama ko si MARK sa ganitong senario . . Hay MARK CHRISTOFFER SALVIRON mahuhulog na naman ba ako sayo????


* * * * * 5:30 na ko nakauwi sa bahay pano kung ano-ano pang katarantaduhan ang pinaggagwa ni MARK, tapos bago pa makaalis sandamak-mak na paalaman pa dahil nasa kabilang bahay sina CATH at LYCA . . kaya ayun pag-uwi muratsa ang inabot ko pero ok lang masaya naman ako he he he he . . . ♥ ♥
to be continue . . .