Sunday, December 19, 2010

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 192




♫♫☼☼ MONDAY ☼☼♫♫


►► LAST DAY ng lecture para sa mga lesson dahil tomorrow bigayan na ng pointers para sa final grading sa Wednesday to Friday pero sa kamalasan nga naman may nangyari pa sa room namin may tumagas na tubig na di alam kung saan nagmula kaya ayun sa labas kami nagklase sa ilalim ng puno sa may guidance katapat ng library at ang mga mukong tuwang-tuwa naman pero binalaan sila ni SIR DIAZ na wag magkakamaling magcatting classes dahil lagot sa kanya inutusan pa nga akong magcheck ng attendance before and after each subject... at kapag minamalas ka nga naman after science sinaJEANSETH, ROSE, GSEL and CAROL nakiupo sa guidance at nanood ng TV at dahil maramin silang nakaupo sa monoblocks ayun bumigay nasira kaya galit na galit si MAM SANTOS iyak yung apat buti nalang napakiusapan ni SIR si MAM SANTOS na palitan nalang ng ganun na ganun ding bangko kahit second hand dahil mahal yung brand new...

LAHAT kami subsob sa lesson lalo na yung mga naghahabol para makapasa at makagraduate at ang pinakahapait na subject namin yung MATH dahil kahit na wala kami sa room nagawa parin magbigay ng quiz ni MAM ESPINOZA buti nalang madali lang he he he .....

AFTER SCHOOL umuwi agad ako dahil may duty sa CAT bibigyan pati kami ng reviewer at pointers dahil imbes na sa thursday ang test sa friday gaganapin ang finals.... Di na ko nagbalak pumunta sa VILLAGE dahil gabi narin kami natapos sa CAT at naglakad pa kami nina NINO, LEO at ROGELIO at bago pa kami makarating sa sakayan puro kwentuhan pa kaya ayun tuluyan na kaming ginabi he he he ......

PAGDATING sa house tinapos ko na muna ang lahat ng gawaing bahay ko then I start to do my assignment pati narin yung mga pointers to review at ilang buod sa EL FILI para kokonte nalang gagawin kong project mahirap kasing mag- cropping pag nanjan na ang deadline ....

AFTER  kong makapag-aral natulog na rin ako at dahil siguro sa pagod sa CAT wala kahit isa man sa mga problema ko ang sumagi sa isip ko.. THANKS GOD ....





♫♫☼☼ TUESDAY ☼☼♫♫



►► BIGAYAN ng pointers, deadline and details ng project at requirements para sa clearance dahil for sure after sa final test sa friday malabo ng magkaroon ng matinong normal classes...
Nasa FOODS CLUB kami ng mapag-usapan namin ni DHONGS na dalawin si RAMIL dahil isang linggo na syang absent may FINAL GRADING pa naman bukas nagwo-worry narin kasi si SIR DIAZ kaya naisip din namin ipa- xerox yung mga reviewer at pointers lalo na para sa subject na itetest tomorrow para hindi mahirapan humabol si RAMIL...

AFTER MATH may ginawa lang kami sa FOODS CLUB then we go na sa tayuman when RAMILS leav... KASAMA namin ni DHONGS si ARDEN gamit namin yung motor ni DHONGS . PAGDATING nga namin sa house ni RAMIL medjo bakas pa yung panghihina nya ilang araw din pala sya sa hospital pero nakakatayo na sya ngayon at thanks GOD he gonna be ok sayang naman kasi kung di sya makakakuha ng exam malapit pa naman ang graduation....  NAGPAALAM narin agad kami kay RAMIL sinabi namin if hindi nya kaya pumasok bukas sasabihin namin kay SIR na bigyan sya ng special exam maiintindihan naman yun ng mga teachers namin but he said kaya na daw nya..... after ng paalamanan umuwi narin kami para makapagpahinga si RAMIL at kailangan ko narin umuwi dahil nga magrereview pa..

AFTER kayna RAMIL diretso uwi na kami dahil nga madami pang gagawin at pag-aaralan... SA mismong tapat na ng bahay ako nagpababa dahil for sure wala namang tao ng ganung oras sa karsada at di nga ako nagkamali maliban sa mga pinsan kong magaganda na nakatambay wala namang mga dragon na sisita sakin... AFTER ko na yayain munang mag miryenda yung dalawa at tanggihan ako pumasok na ko sa bahay kahit na kinukulit ako ng mga bruha kung sino daw yung naghatid sakin ang pogie daw ( ala nang-intriga pa ang mga bruha he he he ).

KINAGABIHAN aral ulit at project ang inatupag ko nakita ko pa nga si JAN na ilang beses na napadaan sa tapat namin wala lang ngitian lang alam ko sinasadya ni gagong magparit-parito dahil alam niang nag-aaral ako sa sala at nakabukas yung pinto... MAYA-maya sumimple si ROCEL sakin may pinapasabi daw si JAN na magkita kami kyna kuya ABET bukas pero sinabi ko na di ako pwedi dahil may final exam ako at dahil si naman graduating si ROCEL di nya alam na mas maaga ang finals namin kesa sa mga mababang level like her.

AFTER kong magreview patulog na sana ko at magliligpit ng mga libro kong ginamit ng mag ring yung phone at dahil tulog na si lola at ang mga dragon naman ay nasa tahian pa at sa pagaakala kong mommy ko yung tumatawag sinagot ko na yung phone. BUT its wired dahil maranig ko yung boses ng nasa kabilang linya  di ko alam kung bigla bang tumigil sa pagtibok ang puso ko o tumalon ito ng mapagsino kung sino ang makakausap ko.. UNA di ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil after CATH's birthday di ko na sya nakausap dahil iniwasan ko na rin but he start the conversation ...

MARK : MUKHANG ayaw mo kong makausap ah ? (may himig na lungkot at pagtatampo ang boses pero pakiramdam ko ako yung nahihirapan huminga at kahit na di ko alam ang isasagot ko I like it or not I need to talked to him kahit alam kong di ko pa kaya )

ME: di naman nagulat lang ako dahil napatawag ka, di ko lang siguro ine-expect... MAY problema ba? ( matapos nun mahabang katahimikan ang namagitan samin siguro we just feel uncomfortable to each other )

MARK: You know what KATHY if alam ko lang na malaki ang magiging pagbabago ng lahat sana di nalang.... MISS na MISS na kasi kita KATHY? ( naramdaman ko ang pagpiyok sa boses ni MARK at alam ko kung ano ang sinasabi nya pero ayuko kung saan patungo ang usapan namin dahil wala rin naman mangyayari kaya bago pa dugtungan ni MARK ang sasabihin pinutol ko na yun..)

ME:  MARK tama na, kung ano man ang nangyari, nangyari na wala na taung magagawa kungdi ang tanggapin yun.... ( ILAN beses kong pinigilan na wag pumiyok ang boses ko dahil nagsisimula ng umapaw ang emotion ko dahil sa sinabi ni MARK at ayukong malaman ni MARK o marinig man lang na nasasaktan parin ako ng dahil sa KANYA ) SIGE na I have to hang this phone my FINALS pa ko bukas I had to go... GOODNIGHT MARK! ... ( di ko na hinintay sumagot si MARK I put back the phone in the cradle  at sininubukan kong makatulog dahil kailangan dahil kung di ako magco-concentrate mabubukya ang FINALS ko bukas.. 





♫♫☼☼ WEDNESDAY  ☼☼♫♫




►►DAHIL SA pagtawag ni MARK nahirapan akong mag-concentrate sa finals kaya pinagtsagaan kong magreview habang wala pa yung mga test paper.. MEDJO nahirapan ako sa unang subject na VALUES lalo na puro ibigay ang kahulugan, multiple choice at Identification pa ang questioners... madali lang sana kung di ako na ba- block kaya lang dahil kay MARK nahirapan talaga akong magreview ganun din sa P.E pero higit akong natagalan at ang buong classes sa last subject dahil kung wala kang kopya ng formula at calculator ay naku wag mo ng asahan na papasa ka pa sa SCIENCE buti nalang kahit na naubos ko yung oras ng test alam ko naman na pasado ako dahil after ng test kanya kanya kaming tanungan ng sagot...  I just PRAY nalang na sana maging okei yung resulta ng FINAL GRADING dahil kung hindi para naman akong panagsakluban ng langit at lupa bigo na nga sa pag-ibig bigo pa pa pagdating sa pag-aaral...

AFTER ng konting kwentuhan lumabas na kami sa room pero naipon naman kami sa IA wala lang para lang makapagpahinga at kamustahin si SIR ugali narin namin yun araw-araw dumadaan sa IA palibhasa di namin subject teacher si SIR maliban nalang sa pagiging ADVISER namin kaya ayun yun lang yung time na makipagkwentuhan... AFTER ng 30 mins na kulitan at puro katarantaduhan na kwentuhan umuwi na kami at dahil pare-preho nawalan ng lakas sa FINAL TEST at dahil mainit na rin ang sikat ng araw walang naglakad lahat kami nag TRICYCLE papuntang kalabaw at doon kami kumuha ng JEEP pauwi.

PAG-UWI ko nagpahinga ako at kumain, natulog at gumising ako para gumawa ng gawain bahay saka nag-aral... Everything is like yesterday maliban lang sa tawag ni MARK and I HOPE di na maulit dahil mas mahirap ang test ko bukas at sa susunod pang mga araw...





♫♫☼☼ THURSDAY  ☼☼♫♫




►► SECOND DAY ng final test unang subject palang mahirap na ENGLISH dahil halos lahat kailangan kabisado mo yung binigay na pointers ni MAM CAPISTRANO na kabisaduhin namin naubos ko nga yung oras dahil sa sinigurado ko na  tama yung mga  sagot ko.....  SECOND subject  SOCIAL at kahit pa sabihin mo na tagalog yung mga nakasulat sa test paper nahirapan parin ako ba naman lahat ng region sa pilipinas kailangan kabisado mo lalo na ang pagakakasunod-subod kulang na ngalang ipadrawing samin yung mapa ng buong mundo.... AKALA ko naubos na yung utak ko kahapon sa science dahil sa dami ng formula na nasa test kaya di na gumagana pagdating ng MATH buti nalang completo ako sa LOG CHART at my science calculator pa ko kaya kahit papano kompiyansa ako na maipapasa ko naman ang MATH kahit papano... 

Siguro dahil pangalawang araw na ng exam nakahupa na ang tropa sa troma he he he dahil ng magipon ipon kami sa IA mga nagkakabiruan na ang saya nga lahat halos nandon pati si CARL  nagkatinginan pa nga kami ng mapadako yung kwentuhan sa issue about love ewan ko lang pero mukhang may nakapagdaldal kay SIR ng tungkol samin kaya iba yung titig sakin ni SIR para bang nang-aasar no comment nalang ako may test pa bukas kaya I need to be focus.....  NAGYAYAYA si ARDEN na maglaboy bukas siguro nakalimutan nia na may DRILL kami tomorrow after CAT TEST napakamot tuloy si gago.. Pinaalala pati samin ni SIR yung mga t-shirt namin para sa SENIOR WEEK pati na yung line up ng mga player ako wala akong sinalihan di naman ako sport minded saka mahilig lang akong magmiron.... sina KUYA WILLIAM ang kasali sa basketball ewan ko kung ano yung sinalihan ng iba SECTION 2 kasi ang team mate namin kung section 3 yan go ako he he he... Speaking of section 3 di ko na napagkikita yung tatlo kong unggoy ah hmmp na miss ko tuloy lalo na si toffe he he he...

AFTER ng mga kabalastugan at kwentuhang barbero saay-sabay na kaming umuwi  I'm happy to see RAMIL again and became strength sana nga tuloy, tuloy na ang paggaling nya buti nalang nakaya na nyang pumasok kahit na grabi yung pressure sa mga test.... 

DAHIL filipino at t.h.e nalang ang subject bukas ginawang regular ang classes sakabila ng pag-angal ng CAT commander namin dahil nga may CAT FINALS pa kailangan daw talagang magsakripisyo dahil paalis na naman daw kami ng paaralan... Kaya tomorrow after t.h.e test we need to proceed at IA room dahil doon kami ime- meeting ni SIR.  AFTER kong mag-aral ng t.h.e at filipino i decided to call CATH para batiin sya ng happy birthday kasi MARCH 15 talaga ang birthday nya we just celebrate early dahil pupunta sila sa CAVITE this weekend. She thanks to me at konting kwentuhan dahil di nga ako nakakapunta sa VILLAGES di ko alam ang mga nangyayri doon.  CATH told me na nakausap nila kanina si TITA Dorothy at nahingahan sila ng sama ng loob about MARK. Kahit ako nabigla ako sa mga narinig kong problema ni TITA kay MARK this few month i never thought na hahantong si MARK sa ganitong sitwasyon. Dahil according to tita DOROTHY madalas na di umuuwi ng bahay si MARK, kapag hamak na aaraw inuumaga ng uwi at kapag dating ng FRIDAY kyna AIRENE na natutulog at LINGGO na ng gabi umuuwi. Ang lagi daw kinakatwiran yung  SOCCER TEAM pero alam ni tita DOROTHY na kyna AIRENE naglalage si MARK minsan na nga daw napagsabihan pero bale wala parin kaya napilitan si TITA na magtanong na sa BARKADA kung may alam na posibleng problema ni MARK. Actually daw ako ang hinahanap ni TITA DOROTHY sinabi daw nila na di ako nakakapunta dahil FINALS WEEK nga namin. I decided na di nalang mag comment di dahil ayuko kung di una wala akong alam na problema ni MARK and second I'm not in the position to asked MARk what his problem kahit na gustuhin ko mang tanungin sya at tumulong. But in the back og my head may nagsabi sakin na grabe naman ang pagmamahal ni MARK kay AIRENE dahil nakakaya nyang sirain ang lahat para dito. Pero sino ko para ikundina si MARK nagmahal rin ako noon at katulad ni MARK ngayon sinubukan ko ring magrebelde dahil ayaw sa kanya ng pamilya ko.  BEFORE CATH and I ends up to our chit chat he asking me kung kailan ako dadalaw sa VILLAGE sabi ko after this week magiging madalas na ang pagpunta ko sa VILLAGE dahil tapos na ang finals puro practice nalang ng graduation at CAT grad niluko ko pa nga ang gaga sabi ko magsawa sya sa pagmumukha ko he he he ☺☺☺  and she remind me na may laban sa BATANGAS ang tropa this weekend di nga sya makakasama dahil nga sa reunion and she wish maksama si MARK lalo na at si MARK ang leader ng CYBER.

HABANG nakahiga ako at nag-aantay na dalawin ng antok di ko alam kung bakit kahit anong pigil ko sa sarili ko na wag paapekto sa mga nangyayari kay MARK I can help it dahil nasasaktan ako dahil pakiramdam ko mahal na mahal ni MARK si AIRENE dahil handa syang isakripisyo ang lahat para dito.. At di lang yun na aminin ko man o hindi MISS ko na ang kumag na iyon :( Isa pa natatakot lang ako sa pweding kahinatnan nya kapagnagkataon . I know sabihin nio na na tanga ako, gaga at stupid dahil after all he done to me I'm here thinking of him at nag-aalala dahil para sakin di ko lang mahal si MARK bilang kasintahan he also my best friend at alam ko kaya kong mawalan ng boy friend pero di ng best friend.....

ALAM KONG TANGA KO PAGDATING SA PAG-IBIG PERO ALAM KO RIN KUNG HANGGANG SAAN KO KAYANG MAGMAHAL....




♫♫☼☼ FRIDAY ☼☼♫♫



►►  LAST DAY ng FINALS EXAM but like wat SIR DIAZ said to make to much HAPPY dahil di pa kami tapos na maghirap dahil my CLEARANCE pa kaming pagdadaanan at alam mo ba bago daw namin makuha ang pirma nia we need na kumanta sa IA room na naka speaker sa boong campus OMG .. grabe yun ah kakatakot...

MEDJO di naman ako nahirapan sa FILIPI lalot yung mga nakalipas na TEST at lesson yung nasa test ngayon bukod sa ibang buod ng EL FILI di na ko nahirapan pero sa T.H.E may isang part ng test na di ko akalain na isasama ni MAM sa FINALS kaya medjo nagalanganin ako buti nalang alam ni ALMA kaya kahit konte naalala ko na kung ano yung mga yun he he he.. AFTER test like what they announce yesterday back to normal ang classes at dumating nga si SIR DIAZ after T.H.E test pinaglinis muna kami ng room lalo na yung mga cleaner for the day at pinasunod kami sa IA room. After a short beefing from SIR DIAZ about next week schedule at pagbabanta sa mga di attend ng GRAD practice sinabi ni SIR na ORAS na nakatalong absent kami sa PRACTICE ng GRADUATION wag na daw umattend ng GRADUATION day dahil di nya tatawagin sa stages kahit na magwala pa daw ang magulang namin. At dahil may TEST pa nga sa CAT at idinagdag pa ang last INSPECTION sucks lahat kami halos lumipad pauwi kainis.....!!!!!

MEDJO nahirapan ako sa CAT test lalo na sa DRILL dahil sa totoo lang kahit na bo-boyish boyish ako I never like CAT ni hindi ko nga manlang naisa puso ang mga napag-aralan namin eh sinabi ko nalang sa sarili ko na bahala na bumagsak na kung babagsak CAT lang naman yun mataas naman ang P.E ko kaya mahahatak na rin yun he he he SANA NGA!! ☺☺☺
 AT DAHIL tinupak ang commandant namin ayun pinagpractice na kami ng CAT GRAD palibhasa alam na tapos na ang FINALS kainis nga eh yung balak kong pagpunta sa VILLAGE para naman kahit i-good luck ko lang sila para bukas di ko tuloy nagawa dahil 6pm na kami dinismiss....


PAGUWI ko naman sa house my tumambad naman na problema kaya mainit ang ulo ng mga tao sa bahay pano nalaman ni lola na di binabayaran ng kapatid ni lolo yung amilyar ng lupa ng buong compound namin kaya ayun malaki ang utang. At ang sulosyon eh ibinta yuung lupa na kinatitirikan ng bahay nina tita emie sa bagong sibol at lilipat sila dito sa compound namin kaya lang kaming tatlo ang apektado kasi si tito taba lilipat sa apartment na minana ni lolo sa tatay nya, sina tita adie sa house namin pero yung kwarto ko doon parin ako lilipat lang daw yung pinto tapos yung aalisan nina tita adie ang magiging rrom nung dalawang lalaki at si tita emie sa aalisan ni tito taba... ay ewan ang gulo nila kaya ako nagkulong nalang sa kwarto dahil nabubuwisit ako halos masira ang buhay namin para lang itayo ng mami at daddy ko yung bahay na iyon tapos kukunin lang samin ng ganun ganun kainis... !!!



♫♫☼☼ SATURDAY ☼☼♫♫


►►  KAHIT NA TAPOS na ang final exam naging busy parin ang weekend ko lalo na ang sabado dahil tinapos kong ayusin yung mga libro na isasauli ko kay SIR DIAZ tapos ginawa ko na yung mga laboratory activity at exercises sa MANUAL ng ENGLISH pati yung pagbubuod ng EL FILI para di na ako maghahabol bukas... buti na nga lang nanjan si kuya JHUN para tulungan ako sa mga drawing project ko sa P.E .... kasama si kuya OLAN kaya kahit papano di boring ang sunday ko. GUSTO ko nga sanang tawagan sina LYCA pero alam ko nasa batanggas na yun that time kaya I just pray nalang na manalo ang CYBER at sana dumating si MARK katulad ng hiling ni CATH.....


♫♫☼☼ SUNDAY ☼☼♫♫


►► NAGSIMBA KAMI NINA  CHEENEE, at nagpasabi sina JAN na susunod pero sinigurado muna namin na walang makakakilala samin o makakasabay kaming tsismosa dahil mahirap na. EWAN ko ba pero minsan nakukunsensya na ko sa ginagawa ko kay JAN pero natatakot naman ako na sabihin sa kanya kung ano yung tunay kong nararamdaman para sa kanya dahil natatakot akong masaktan ko sya at higit sa lahat natatakot ako na baka kapag tuluyan ng nawala si MARK sakin wala na kong matatakbuhan... AAMININ ko I'm still happy with him kinikilig parin ako kapag kinakanyawan kami ng mga pinsan ko, pero alam yun kapag magkasama lang kami saka ko lang na feel yung presence nia pero sa araw - araw na ginawa ng DIOS na magtitinginan nalang kami kapag nagkikita at mag-uusap kung nakakatakas, magkikita kapag may pera sya papunta sa mga kuya ABETH saka ko lang naaalala na kami pala... ay ewan ko ang gulo ko rin ko rin minsan....

AFTER magsimba nagkwentuhan muna kami sa labas at pagdating ng kaininan ng hapunan umuwi kami sa kanya-kanyang bahay at bukas na ulit kami magkikita-kita dahil may pasok...  AFTER kong gawin ang gawaaing bahay nagkulong nalang ako sa room at nagbasa ng pocket book  tapos ko na naman lahat ng mga dapat kong gawin kagabi pa.  PAGKATAPOS ng dalawang libro namalansta na ako ng pang CAT dahil simula bukas pang umaga at pang hapon na kami until sa graduation dahil this coming week magpa-practice na ng GRAD at CAT GRAD. AT para iwas sa pamasahe doon na ko kyna ALMA magbibihis lalo na bukas dahil may last infection... Before ako mag sleep naalala kong tawagan si LYCA at dahil nasa labas naman ang mga dragon nagkaroon ako ng tym na makipagchikahan kay LYCA.  KINAMUSTA ko yung lakad nila kahapon sa BATANGAS she said ok naman daw kaya lang they got the 2nd placer lang bukod daw kasi na mga tunay na taga doon eh magagaling daw talaga saka they not expected na mananalo talaga sila lalot nagkalat si MARK sa stages dahil di naman nagpra-practice ng madalas buti nalang nakabawi dahil madaling makakuha si MARK at gumamay ng step. Ang akala nga daw nila iiwan sila ni MARK sa ere dahil di sumabay sa service, pero thanks GOD daw dumating bago magsimula yung program nakamotor at kasama si AIRENE. Nasaktan ako di ko ikakailala yun lalo na`t nalaman ko na nakasama si AIRENE para bigyan ng suporta si MARK na kahit kaylan di ko nagawa... para di nalang ako masyadong maging emotional iniba ko nalang ang usapan at alam ko nakuha ni LYCA yun kaya kung saan - saan na napunta ang usapan namin and she said dalasan ko daw ang punta sa  VILLAGES dahil madalas na kaming magkikita dahil nga nagte - thesis lang sya. After that we just said goodnight to each other pero siguro pagkatapos naming magusap ni LYCA nakatulog na sya pero ako hindi ewan ko siguro dahil iniisip ko si MARK, siguro dahil ngayon inamin ko na sa sarili ko na kailangan ko na "ULIT" syang pakawalan and I wish this time magtagumpay na ko.... Sa kabila noon nag-aalala ako kay MARK, may munting hinanakit para kay AIRENE pero di ko naman masisise yung babae dahil kung di gusto ni MARK di naman sya mapipilit pero ang masakit ang CYBER ang isinasakripisyo ni MARK pero sino ko para pagsabihan si MARK.... 

BEFORE I closed my eyes I whisper a short prayer for MARK na sana nasa matuwid syang landas kahit na kami pa ang isakrapisyo nia ang mahalaga kahit na may magbago at may masakatan inportate walang buhay na masira...  


♫♫☼☼ TO BE CONTINUE  ☼☼♫♫