~~ September 10, ang totoong bday nila nakakatuwa nga dahil pareho na sila ng pangalan magka-birthday pa . . nang makita ko si James sa school binati ko na sya, kung may party di ko alam hindi rin naman ako makakapunta dahil sunday yun, kaya Septeber 9 ginanap ni Jaypee yung bday nya dahil mag-oover night ang tropa sa bahay nila dahil nasa HK daw yung parents ni Jaypee . . at yung kuya naman nya nasa bahay nila sa Pasig . . Jaypee is half chinese nga ba??? ah ewan gulo kasi ng kwento ni Mark sakin basta ang alam ko yung mamu nya pure chinese na lumaki sa pinas at yung papu naman ni Jaypee may lahing kastila pero yung mga magulang half chinese at half espanol na may dugong pilipino ahhhh ewan basta yun na yun . . . basta ang alam ko mas matimbang ang chinese blood ni kulokoys kaya nga singkit . . . . .
Nagpasya akong pumuntang mag-isa kyna Jaypee kahit na gusto ni Ryan na sunduin ako, I told him nalang na mas magandang pumunta ako na mag-isa when Ryan asking kung dahil ba daw kay Mark, syempre di ako nagsinungalng dahil totoo naman yun, bukod sa ayukong masaktan si Mark dahil I know how he jealous to Ryan ayuko rin na mabahiran ng di magandang pangyayari yung kaarawan ni Jaypee dahil lang samin ni Mark . . . pero isang libo at isang tanga talaga ko, kasi nakalimutan ko kung ano yung street name nina Jaypee dahil bukod sa di kami madalas magpunta sa house ng kulokoy na yun eh lagi pa kaming nakamotor kung magagawi kami sa kanila kaya no choice ako kung di ang tumawag sa kanila para lang itanong kung ano yung sasabihin ko sa tricycle driver dahil ayuko naman maglakad baka maligaw pa ko . . . pero when I call Jaypee maghintay nalang daw ako sa gate ng subdivision dahil bababa rin naman daw sya para bumili ng yelo sa bayan . But of all people naman na uutusan ni Jaypee na sumundo sakin bakit si Ryan pa, hindi naman dahil iniiwasan ko si Ryan, ayuko lang may masabi ang tropa dahil kahit papano they know kung anong meron si Ryan sakin . . pero syempre hindi ako nagpahalata kay Ryan na hindi ko gusto na sya ang sumundo sakin kaya pinilit kong ngumiti, bumili muna kami ng yelo sa bayan b4 kami bumalik sa bahay nina Jaypee, habang nasa biyahe kami I ask Ryan kung sino-sino na ang nasa house nina Jaypee, he said na completo na raw halos sina Ian, Micheal at assual si Mark nalang ang kulang . . At kahit papano nakahinga ako ng malaman kong hindi ko pa madadatnan si Mark sa bahay nina Jaypee at malabong makita kaming magkasama ni Ryan, dahil ayuko namang isipin ni Mark na porket wala na kami ginagamit kong panakit sa kanya si Ryan lalot alam kong suko hanggang langit ang selos nun kay Ryan . . but one side of my head bumabangon ang galit ko kay Mark dahil malamang nasa practise na naman sya ng soccer kaya kung hindi mamayang hating gabi darating hindi na naman sya makakasipot . . . ewan ko ba pero until now hindi ko parin matanggap na tuluyan ng binago ng pagco-college nya si Mark, I admit I still hurting kahit na tinabunan na ni Carl ang lahat ng masasakit na nangyari samin ni Mark, at alam kong tinuruan ulit ako ni Carl na magmahal at makalimot, but sakabila ng lahat hindi ko parin makasanayan ang bagong Mark . . .
Buong akala ko maiiwasan kong makita ako ni Mark na kasama si Ryan pero tila yata gusto talaga akong paglaruan ng tadhana, at nagawa pa nyang magbiro para saming tatlo . . dahil ng papasok kami sa subdivision nina Jaypee halos magkasabay lang yung motor namin ni Ryan sa papasok na motor nina Micheal at Mark . . bumusina pa nga si Mark at kahit na ganun ang nangyari nakita ko parin kung paano nasaktan si Mark, dahil ng magtama ang mata namin I saw some sadness on his eyes i dont know kung paano ko ipapaliwanag yung lungkot na nakita ko sa mga mata ni Mark, sa halos isang bwan naming di pagkikita hindi lang mata ni Mark ang may lungkot kung di kapansin pansin din ang pagkahulog ng katawan nya, ayuko mang sisihin ang sarili ko alam ko bukod sa soccer nya kalahati ng dahilan ng pagbagsak ng katawan nya ay ang problema namin ni Mark . . ahhhhhhh hanggang kailan kami magsasakitan ni Mark . .
The party was so cool, bukod sa walang hassel dahil wala naman yung parents ni Jaypee bukod samin ng CYBER's tangging ilang kapit bahay at classmate lang ni JAYPEE sa highschool at colleges ang kasama namin . . nagpacater na nga lang si gago bukod kasi sa walang mag-aasikaso ng pagluluto eh walang alam si gago kaya ayun gumastos nalang ng luto kesa naman daw mamoblema pa sya, niloloko nga nina Lyca at Cath na sana sakanila nalang daw nagpaluto para di magastos dahil HRM ang kinukuha ni Lyca pero alam mo ba kung anong sabi ni Jaypee baka imbes daw na makamenos sya sa gastos kung sina Lyca ang pinagluto nya baka daw lalo pa syang magastusan dahil sa pang-ospital dahil baka food poison ang kalabasan ng party nya ayun nakatikim si gago ng katakot-takot na hampas ni Lyca . .. ahhhh puro kalukuhan talaga . . .
Nasa kalagitnaan ng biruan when Mark approach me na mag-usap daw kami, ni hindi na hinayaang makasagot ako basta hinila nalang yung kamay ko @ hinatak ako patayo sa umpukan . . . Mark told Jaypee na kung pwedi kaming mag-usap sa taas . . . . then Jaypee said na okei lang daw bukas naman yung kwarto nya pero umangal ako na pwedi naman kaming mag-usap sa labas o kaya kahit sa saan pero bakit sa kwarto pa ni Jaypee, pero mukhang napikon si gago at sa di ko malamang dahilan nakita kong may galit sa mga mata ni Mark habang sinasabing " ngayon ka pa ba matatakot na makasama ako sa iisang kwarto, wag kang magalala wala akong gagawin sayo na di ko pa nagagawa" sabay hatak sakin pataas ng room ni Jaypee at dahil hindi ko alam ang gagawin ko at sa gulat ko narin sa inaasal ni Mark dahil sa sinabi nya bukod sa di ko alam kung ano ang iisipin ko sa magiging kahulugan ng sinabi nya sa tenga ng tropa wala na kong nagawa kungdi ang sumunod kay Mark . . . . ahhh umandar na naman po ang pagka dominante ng gago . . . .
Pagpasok namin sa kwarto ni Jaypee hindi ako umalis malapit sa pinto, hindi dahil natatakot ako kay Mark kungdi ayuko ng nakikita kong inis at galit sa mukha nya habang nakatingin sa labas ng binta ng kwarto. at mas lalo akong na guluhan ng isandal ni Mark yung sarili nyang braso sa bintana at doon tumungo. . . . Mark doing that only kung may malaki lang syang problema, may iniisip na malalim . . . . o naiinis . . ahhhh pero kahit itaktak ko ang ulo ko at utak wala talaga kong maisip na ginawa ko kanina na pwedi nyang ikagalit o ikainis sakin, malayo naman ako kay Ryan at iniwasan ko na magkakatabi pa kami kaya ahhhhhhh ewan hindi ko sya maintindihan, tapos ang nakakinis pa ilang minuto na kaming nasa loob ng kwarto ni Jaypee pero ito kami parehong nakatayo lang at di parin nag-uusap . . . kaya ng di ako makatiis ako na ang unang nagsalita . . .
" ano bang problema mo?" tumingin sakin si Mark at ibinalik sakin yung tanong . . and when I said " wala akong problema" he said na " bakit umaakto ka na parang walang nangyari?" I know kung ano ang ibig sabihin ni Mark, dahil kanina ng abutan nya ko ng plato at lagyan yung plato ko ng pagkain, hinayaan ko lang sya at nginitian after na mag-thank you . . . at ng alukin ako ni Andoy ng inuming alak tumanggi ako, pero hindi dahil nandoon si Mark kungdi dahil wala akong sa mood uminum . . . lumapit sakin si Mark ng wala akong maisagot sa kanya . . . he hold me sa dalawang balikat and when our eyes meet nakita ko na maiiyak na naman sya habang sinasabing " U know what, sa ginagawa mo mas lalo akong nasasaktan, naguguity sa ginawa ko sayo at mas lalo akong nagsisise' sa mga ginawa ko dahil feeling ko ako ang sumira ng lahat kathy?" and once again i saw Mark crying in front of me, ewan ko ba sa gagong ito kung bakit nakasanayan na yatang umiyak sa harapan ko . . . but when i saw mark crying lahat yata ng sakit na naramdaman ko this past months unti-unting nawala at naglaho dahil nakita ko ulit yung Mark na minahal ko, siguro nga may nagbago kay Mark pero dala lang yung ng pagmamature nya at namin pare-pareho pero yung dating Mark, yung Mark na lagi kong hinahanap nandoon parin hindi ko lang nakikita dahil ang mga pagbabago at nagbago lang sa kanya ang lagi kong napapansin . . . . . I hug Mark saka ako umiyak . . I told him sorry dahil may kasalanan rin naman ako sa kanya hindi ko sya pinakinggan, when Mark asking if napatawad ko na ba daw sya I told him YES, pero gusto ko na we put are relationship bilang magkaibigan nalang . .... I know I hurt Mark, pero tumungo sya bilang pagsang-ayun I hug him tight and i told him that na namiss ko sya . . . baliw tong lalaking to sabi ba naman sakin " na miss mo ko kaya pala kay Ryan ka nagpasundo at di sakin" at nagawa pang magselos ng hinayupak . . . at pati daw bakit parang takot na takot akong mapagisa kami sa iisang kwarto . .. pero ngiti lang ang sinagot ko sa kanya . . then he asking me kung kami na ba daw ni Ryan, hindi ko tuloy maiwasang di matawa ng tuluyan, at sinimangutan naman ako ni gago . . ngayon I know talagang sya parin si Mark, my only one sweet of my life. . . madami kaming pinag-usapan ni Mark katulad ng mga bagay na napapansin kong pagbabago sa kanya at nakakatuwang isipin kahit na yung part na nakita ko sila ni Gretch napag-usapan narin namin ng walang kahit na anong negative thinking . . . sabi nga ni Mark sana noon pa kami nag-usap ng ganito para daw naayos agad @ baka daw sakaling naisalba pa namin yung relasyon namin . . I told him na siguro hindi nalang talaga kami click na mag-lovers kasi kung titingnan namin mas naging close kami nung time na magkaibigan kami habang may problema ako kay Jan . . . and finally sumang-ayun narin si gago basta daw walang magbabago ng pakikitungo sa isat-isa at humirit pa na sana rin daw maniwala na kong wala daw talaga silang relasyon ni Gretch @ di daw talaga nya ko kayang lukuhin, at aaminin ko sa pagkakataong yun I admit na niniwala na kong kay Mark, kaya i kiss him, pero yung balak kong smack kiss na uwi sa torid kiss dahil bago pa ko makalayo ng dumampi yung mga labi ko sa labi ni Mark hinapit at hinalikan ako ni gago ng madiin until i found out na gumaganti narin ako ng halik sa kanya at after that kiss he said " may balak ka na namang isahan ako noh!" kaya wala akong nagawa kungdi ang irapan na nakangiti si gago . . . and once more we hug each other and he wispher "THANKS" and i said "YOUR WELCOME"
After we talk bumaba na ulit kami sa sala nina Jaypee, at ang mga hinayupak pinaghandaan yata talaga ang pagbaba namin dahil bigla ba naman kinanta ni Andoy sa videoke yung " I'll Always Love You" at ang mga mokong wala talagang magawa nagsisabayan pa ng kanta at ito naman si Mark nakiloko narin lumuhod ba naman at sabay sabing " may I have this dance" sabay tilian ng bruha kaya ayun nauwi na naman sa walang kamatayang sweet dance ng " i'll always love you" at pagkatapos ng music biniro ko si Andoy na sana next time yung original artist nalang ang pakantahin dahil sinisira nya yung theme song namin ni Mark, natawa tuloy si gago pero infairness biro lang yun dahil maganda ang boses ni Andoy pareho sila ni Janeth kaya magkasundong-magkasundo yung dalawa pagdating sa videokehan . . .
We Help Jaypee first na maglinis after na maubos yung inumin, kahit na medyo tipsy na ang mag luko-luko . . . dahil halos 3am na rin at habang naglilikpit ng mga baseyo ng bote ang mga lalake kami naman ang nagayos ng tutulugan sa taas, dahil napagkasunduan na lahat kami sa sala sa 2nd floor matutulog dahil hindi kami kakasya sa loob ng kwarto ni Jaypee kaya para fair sa lahat sa sala kami .. . gagong Andoy umangal pa sabi ba naman pano daw makakagawa ng milagro kong sama-sama kami . . . syempre magkatabi kami ni Mark, but you know what mali si Andoy na hindi sila makakagawa ng milagro kong saka-sakali dahil lahat kami nasa lapag sa sala pero kanya kanya naman kami ng higaan at comforter . . at alam mo ba kung sino ang pinagbubulungan namin ni Mark bago kami matulog, sina Lyca at Ian pati si Jaypee at Cath dahil sila yung magkatabi at gago tong si Mark nagawa pa kong tudyuin ng sinabi kong pati sina Ryan at Anne magkasama rin at magkatabi matulog, selos naman daw ako, kaya ayun kinurot ko sa tagliran si gago kaya napatili sa aray he he he napagalitan tuloy kami ng mga '"natutulog daw" . . .
Well after all nights na iyakan ko si mark @ yung mga araw na naramdaman ko lung paano masaktan ng dahil kay Mark nabura na yun ng isang gabi, kung paano hindi ko alam, basaka all I can say is because its Magic of LOVE, siguro dahil ganon talaga ang pag-ibig pero ang mahalaga samin ni Mark, masagip namin yung friendship namin dahil iyun ang tangging sandata namin para maging matibay . . . . Sabay sabay kaming nag-almusal kinabukasan o tamang sabihing tanghalian kasi 11:30 na kami nagsibangon at after halos na isang oras na pagpapaalaman dahil ang mga mokong panay pa ang buruan dahil nalagay sina Ian, Lyca, Cath at Jaypee sa hot seat . . at syempre si Mark ang naghatid sakin kasabay sina Micheal at Randy dahil hindi namin pweding isabay si micheal dahil Sunday baka mahuli kami sa palengke at dahil tanghali na sa GDR nalang ako nagpababa kay Mark and I kiss him sa cheeks and say Thanks b4 ako bumaba sa motor nya when he asking para saan yun sinabi ko sa lahat-lahat then I walked out na palayo @ ngayon masasabi ko na magaan ang bawat hakbang ko palayo kay Mark dahil I know I finally let him go at sa wakas I can move on na at kaya ko ng harapin si Carl ng buong-buo . . .
When I get Home nagtulog nalang ako kahit na may mga dragon na nagbubuga ng apoy dahil inumaga na naman daw ako . . I dont care, nagpaalam ako kay mommy at kay lola wala akong paki-alam sa kanila as long as my blessing ako from mommy wala silang magagawa kahit iosang linggo pa kong di umuwi . . .
to be continue . . . .
No comments:
Post a Comment