Ω ♦ ♠ START A NEW WEEK Ω ♦ ♠
♥♥ MONDAY ♥♥
SO BUSY DAY ba naman biglang nagbigay ng mga panibagong date para sa project tapos nag pre-exam pa para daw may mga idea kami kung ano yung lalabas sa exam sa wednesday .... ang haba ng pointers to review lalo na yung identification ala haba ng kailangang i-memorize . . .
TAPOS MAY CAT Duty pa ako after class buti nalang naawa siguro si SIR DILI-DILI kaya after an hour pinauwi na rin kami dahil madami ngang school project na kailangan gawin .... I had no tym para makapunta sa VILLAGE dahil bumili pa ko ng mga kilangan kong materials para sa project sa SCIENCE and VALUES ....
♥♥ TUESDAY ♥♥
BIGAYAN ng pointers to review at submitan ng project sa ENGLISH at MATH buti nalang yung sa T.H.E hanggang friday pa kaya may tym pang gumawa.... but after school umuwi rin ako agad dahil sa dami ng mememorizin kailangan kong magipon ng lakas para magising ng maaga at makapag review....
NYT tym when MARK call and asked bakit daw hindi ko sya hinitay kanina ng dumaan ako sa VILLAGE i just told him na nagmamadali ako dahil may deadline akong hahabulin bukas para sa SCIENCE at SOCIAL nagsorry ako dahil i need to focus sa study muna sa darating na mga araw well he understand naman ..... kung may problema man ako eh yung mga dragon na nagbubuga na naman ng apoy dahil sa mga kapatid ko at yung magaling kong BOYFRIEND na walang inatupag kungdi ang computer hobbit nia , pero I ignore those thing in my mind muna kailangan ko mag focus asa study ko now . . .
♥♥ WEDNESDAY ♥♥
FIRST DAY ng 3rd PERIODICAL TEST - after ng flag ceremony kanya-kanya ng basa ng reviewer ENGLISH ang first SUBJECT na i-tetest namin kaya katakot takot na kabisado sa methology at tamang gamit ng mga sentences ang isinaulo ko.... buti nalang kahit mahihirap yung sagot may multiple choice at yung mga identification kahit na may konting trick eh nakaya ko naman saka may true and false naman hay sana naman makapasa he he he he ... hirap na hirap nga yung mga lokong mangupya kasi yung bantay namin teacher ng first year he he he he
TAPOS ng ENGLISH at VALUES - na puno ng TAMA o MALI, Ibigay ang kahulugan ..... after values recess na buti nalang nauso ang recess kung hindi ay naku ewan ko nalang baka paglabas namin mamaya luka-luka na kaming lahat :) then next ang SCIENCE wew nahirapan ang sa mga infact infact na computation . . pati na sa speed pero sana naman maging okei dahil may pahintulot naman na magkaroon ng kopya ng formula .... ewan ko nalang sa mga kulokoys na nasa likod ko mukhang nagkakanda duling na dahil kahit komokoya nalang di pa yata makuha he he he .... kahit na nakatapos na ko di parin ako pakapag-pasa at makalabas ng room dahil pwedi ng umuwi kung sino man ang tapos na pero di ko magawa dahil sa mga kolokoys kong tropa .... but i had to go lalo na napansin na nina BETTY yung kopyahan namin ... ng makapagpasa ako sinabi ko wait ko nalang sila sa IA dahil iyon naman ang kinaugalian namin ang maghintayan sa IA room after class lalo na kapag may test .... matapos magkwentuhan at magkorekan ng mga sagot kanya-kanya na kami ng uwi dahil bukas masa mahirap yung tatlong subject na i-tetest namin ... P.E, FILIPINO at ang pamatay na MATH he heh he he .....
KAYA pagdating ko sa house konting pahinga lang after mag lunch then natulog ako para may pampuyan ako pagrereview .
♥♥♥ THURSDAY ♥♥♥
SECOND DAY ng TEST like yesterday after flag ceremony nag start kami sa FILIPINO . . . mejo yaka ko dahil madali lang yung mga tanong lalo na yung tungkol sa EL FILIBUSTERISMO .... tapos ganun din sa P.E dahil ako lang naman yata ang laging nakikinig kay mam PAGATPATAN he he he then recess muna.... nakita ko sina DONG at MANUEL na bumili ng GRAPHING PAPER sa School SUPPLIES sabi ni DHONGS nahihirapan daw sya ngayon kasi wala na daw ako na madalas magpakopya sa kanya di ko tuloy maiwasang di matawa ito talagang si dong oo he he he .... AFTER kong kumain nagreview na ko lalo na yung kopya ko ng FORMULA dahil kailangan ko parin alamin how they get na answer kahit na alam ko yung formula ahhhh sana naman makapasa ko di na ko na ngangamba sa iang subject pero sa MATH and SCIENCE oh GOD sana naman kahit average lang makuha ko naman he he he ....
MUKHANG nahirapan talaga kami sa MATH biruin mo naubos namin yung oras nanjan na nga yung next year na gagamit ng room namin di pa kami tapos pero ng matapos ako nagmadali na kami nina ALMA sa CANTEEN na kasi kami kakain dahil we have no time para umuwi dahil may TEST din kami sa CAT ... medjo dito hindi ako nagreview kahit yung drill kung ano lang alam ko yun lang I dont care kung bumagsak ako dahil P.E naman kukunin mataas naman ko dun he he he ...
AFTER LUNCH break PAHINGA then nagbihis kami sa IA at doon na rin kami tumambay nakaidlip pa nga kami ng konti then 1pm pinapila na kami sa gym at after ng writting test drill naman . . . he he he ang daming officer ang mainit ang ulo mukhang may hang over pa ng test .... after ng test pinauwi na rin kami dahil may TWO SUBJECT pa kaming haharapin bukas .. . . pero di na ko namomoblema roon dahil T.H. E at SOCIAL nalang naman yun yakang yaka na he he he ( YABANG)
PAG- UWI ko ng house kumain at natulog na ulit ako .... pagkagising ko nagluto tapos lumabas ako para marelax ng konti kaya nakakwentuhan ko sina kuya JHUN kahit sandali after dinner di na ko lumabas ng room ko nagmemorize pa kasi ako para sa social then I receive a call from MARK he just want to know hows my test konting kwentuhan then sya na mismong nagpababa sakin para makapagreview na ulit ako pero di na ko nakabalik sa konsintrasyon ko dahil kay MARK kaya nagpasya na kong matulog bukas nalang ulit ng umaga ako magrereview ...
♥♥♥ FRIDAY ♥♥♥
AS USUAL like yesterday and the other day matapos ang FLAG CEREMONY kanya kanya na namang review but before we start nag excuse si SIR DIAZ sa nagbabantay samin para sabihin na wala munang uuwi after ng test we need na maglinis muna sa room ang cleaner at pumunta lahat sa IA attendance is a must ahhhh ( ano na naman kaya ang sasabihin ni SIR kakatakot he he he joke ).
LIKE what I said kahit mahirap nadalian ako sa TEST sa SOCIAL at T.H.E lalo na sa T.H.E paano ba naman kabisado ko na kung paano gumawa ng test si MAM PANTALEON sya ba naman ang teacher ko mula first YEAR he eh eh eh he ... LIKE wat sir DIAZ said after test nagpunta na ako sa IA naiwan pa sina GERLY dahil di pa sila tapos samantalang kami nina ROLANDO, EROL and ART ang na una sa IA nadatnan na namin sina RAMIL, SJ and MODESTO roon dahil DRAFTING sila kaya nauna silang natapos ... AND ofcourse nasa IA kami kaya maya-maya yung TATLONG ITLOG na sina CABRAL, JEROME and ERWIN ay nagsinadingan... ng marami rami na kami na nasa IA pinaupo na kaming lahat ... then ng macompleto nagsimula na si SIR DIAZ inumpisahan sa pagapapaalala ng collection sa pagkain para sa prom na of course ako na naman mamamahala din SIR get the attendance sheet from me at isa isang nasermonan yung lahat ng may mga cutting specially yung tropa nina TRACY at BETTY na laging nawawala sa FOODS CLUB . .
AFTER ng meeting nagyaya sina ARDEN na mag billiard kaya ayun after makalog ang utak namin sa kakasagot ng test nagbilliard kami then kumain kami sa house nina ALMA tapos hinatid na kami ni ROLANDO sa kanya-kanyang bahay . . . di sumama sina CARL, SJ at NANTE meron daw kasi silang lakad I know its hard to explain but para sakin mas okei na rin na may pader sa pagitan namin dahil kungdi ako naglagay ng pader siguro hanggang ngayon nasasaktan parin ako ....
♥♥♥ SATURDAY ♥♥♥
DAHIL KAKATEST lang pinayagan ako ni mommy na um-attend ng birthday ni ANNE pero bago naman ako makapunta I need magpa- good shot kaya ayun naglinis at naglaba muna ako nakita pa nga ako ni JAN at sinabihan pa ko na tulungan na daw nya ko ( sira ulo ) he he he ... mga bandang 3pm gumayak na ko dahil baka di pa ko makaalis .... Di na ko nagpaalam kay JAN dahil panigurado ang dami na namang dimand nun bago ako umalis saka mabuti na yung makita sya ng mga tita ko kahit wala ako para di sila maghinalang magkasama kami ...
SA VILLAGE ako pumunta bago kyna ANNE kasi iyon ang gusto ni MARK pero nakakainis ng dumating ba naman ako mga hindi pa nakabihis at kagagaling palang nila sa basketball court kakainis .... sabi ko bahala sila hanggang 7pm lang ako nagpaalam ba naman sabi buti kong payagan daw nila akong makauwi ng 7.. ala hu hu hu hu handa mo na naman ang tainga mo KATHRINA .....
♥♥♥ ALEXANDRA " ANNE " SARMIENTO
BIRTHDAY BASSSHHH ♥♥♥
ITS WONDERFUL PARTY, bukod sa ilan-ilan classmate at family ni ANNE at kami ng CYBER lang ang bisita nya . . . ANG saya saya nga kasi puro kalukohan at katarantaduhan ang mga pinaggagawa ng tropa lalo na ng katyawan dahil ang regalo ni RYAN kay ANNE ay singsing kaya ayun tukso ang inabot ng dalawa he hehe .... MAS lalong nagkagulo ng magsimula ang VIDEOKE ba naman kasi sina MARK, VINCE, MICHEAL, JAYPEE, IAN, RANDY, ANDOY at CHRIS kumanta at sumayaw ng NSYNC at BACK STREET BOYS grabe ang kulit he eh he pati lolo at mommy ni ANNE sayang - saya .... AT hindi naman nagpahuli ang mga kabaro namin ni ANNE na sina DIANNE, LYCA, JANNETH , CATH at JEN dahil ang mga bruha nag SPICE GIRL naman he he he pinapasama nga kami ni ANNE pero pareho kaming tumanggi di dahil KILL JOY kami kungdi wala kaming TALENT pagdating sa ganyan . .
At sa sobrang kasiyahan ayun yung 7pm ko naging 10 ala ayaw pa nga akong pauwiin but i told them kung gusto nio pa kong makasama ulit at makita payagan na nila ko dahil mapapatay talaga ako samin he hehe.. Even labag sa loob ni MARK inihatid na nya ko sa VICTORIA at bago ako lumayo pagbaba ko ng motor hinawakan ni MARK yung kamay ko sabay smack kiss di na ko na kaangal wala akong nagawa kungdi ang mapailing nalang... I told him to drive safe....
LIKE na inaasahan ko pagdating ko sa bahay talak at mura ang inabot ko pero okei lang ipinasok ko nalang sa kabila at inilabas ko nalang ulit sa kabilang tenga he he he after masermunan i decided to lock up to my room doon ko nalang ninamnam ang magandang nangyari sakin sa araw na yun....
BUT 1am nagising ako and ng lumabas ako i find out tulog na lahat ng tao kaya i try na tawagan si MARK pero wala ng sumasagot sa extantion nia sa room kaya I decided na subukan kung may tao pa kyna ANNE at di ako nagkamali nandon pa nga ang mga hinayupak ata di paraw tapos ang party he he he cra ulo ngan si JAYPEE feeling ko raw nasa abroad ako at patawagtawag pa daw ako he he he... NANG makausap ko si MARK nagtatampurorot na naman si gago sya nalang daw walang partner doon kaya naiinggit sya .. when i ASKED sina MICHAEAL at CHRIS naman di kasama yung mga JOWA nila ah den bigla kong natawa sa sagot ni MARK yung dalawa na nga daw ang new love team eh he he he kaya sya lang daw talaga ang walang partner... KUNG saan saan napunta ang usapan namin ni MARK at ng magpapaalam na ko dahil nakakahiya na kyna ANNE he told na uuwi na daw sya para matawagan ako at makapag usap na ulit kami para di na daw ako nahihiya i told him na wag na dahil inaantok na rin ako . . AY naku sa haba ng paalaman natapos rin ang kulit he he he
♥♥♥ GROUNDED SUNDAY ♥♥♥
DAHIL sa nangyari kagabi ito ako sa bahay grounded kaya panonood nalang ng TV ang ginawa ko hmp kainis ....pero nakakatuwa ng magpunta sina ROCEL sa bahay they asked me saan ako nagpunta kagabi dahil hanap daw ng hanap sa kanila si JANJAN pero di nila alam kung ano ang isasagot ... para walang gulo di ko nlang sinabi sabi ko ako ng bahala sa gagong yun ....HAY ewan ko ba bakit ganito ang buhay namin magkakapatid kung tutuusin dapat kami ang nagbubuhay hari at reyna dahil halos kami bumubuhay sa pamilyang ito pero look at us kami pa ang itinuturing na peste at pabigat kami pa ang inaalila... buti nga si cinderela may fairy god mother samantalang kami kahit dagang masasabihan ng problema wala .....
♥♥♥ TO BE CONTINUE ♥♥♥
No comments:
Post a Comment