Sunday, December 5, 2010

Ñð ÖÑè whð Kñëw †hê Rë£ Me !! - 189

☼☼♫♫ MONDAY ♫♫☼☼

♥♥ BACK to REALITY - - sabi nga ni MAM GARCIA sa SOCIAL tapos na ang maliligayang araw namin dahil ang PROM na ang last exit namin para makapaglakwatsa he he he . .  kaya ngayon ihanda namin ang mga sarili namin sa pagsusunog ng kilay sa pag-aaral dahil every friday may quiz at kailangan namin completuhin ang mga requirements na ibibigay ng bawat teacher namin dahil kung hindi naku wala kaming clearance he hehe ...

Kaya ako kahit kakafiesta lang sa TAYTAY kahapon at ayaw akong papasukin ng mga tita ko pumasok parin ako at syempre may dala ko para kay SIR DIAZ... PAG-uwi ko kasama ko sina JHON, GERLY and MHAEI magduduty kasi ang mga IV-7 kaya  hindi nakasama . di na muna kasi kami umattend ng CAT ni MHAEI at GERLY dahil iisang platon lang kami . .  NAKITA rin namin na naki-fiesta ang mga teacher ng ANHS kyna TITA BUBS kaya ng magsiuwian sabay-sabay sila... 

I cal MARK na di ako makakapunta dahil may nga classmate akong bisita ay naku nagtampo ba daw kaya ayun bago kami magbaba ng phone to the max na pangaamo muna ginawa ko he he he ☺ ☺ and i promise na bukas pupunta talaga ako . . 

Kaasar naman si JAN kung kailan na isakay na namin nina KUYA Jhun at KUYA Exor sina MHAEI, GERLY AT JHON ayun saka naman dumating kaya di na rin kami nakapag-usap . . 

Before I sleep gumawa muna syempre ako ng assignment kinompleto ko narin yung mga lecture sa notebook ko dahil kahit na maliit lang yung points noon at least may points he he he  . . 




☼☼♫♫ TUESDAY ♫♫☼☼


♥♥♥ A SHOCKING TUESDAY - - Ewan ko ba kung anong meron sa araw na ito at lahat yata ng mga nangyayari ay halos ka-shock schock . . . .  Una hanggang ngayon yung Issue tungkol samin ni ARTH di parin na wawala ba naman kasi hanggang ngayon inaasar parin kami ni JAJA ewan ko muntikan na nga akong mapikon okei lang sana kung si JAJA lang anak ng patis pati yung kampo nina BETTY nangbubuwisit eh . . . Buti nalang cut ang classes dahil may CARER BUILDER kami may mga bat-ibang representative ng ibat-ibang colleges at university ang maglalahad samin ng kani-kaninang programa para makapili kami kung saan namin gustong makapag-colleges . . . Sumayaw nga sina Dado, MANUEL at JAMES kasama na kasi sila sa mga MANANAYAW ng School for the ARTS ng School . . 

AFTER the Program di na ko nagstay sa IA dahil badtrip na badtrip na ko kyna JAJA baka di ko lang mapigilan sarili ko eh magkaroon pa ng gulo . . . . Tumuloy ako sa VILLAGES para kahit papano mawala yung init ng ulo ko dahil baka kung iuwi ko agad sa bahay naman ako sumabog knowing ang atmosphere sa bahay lagi nalang may gulo . . .  But i think I was wrong??  . . 

When I came sa VILLAGES sina DIANNE, JANNETH and CATH ang nadatnan ko sabi nila nasa court daw yung mga lalake . . . Nagkwentuhan kami apat then DIANNE asking me about my PROM kaya nagkwento ako kahit na di nila kilala personally yung mga kinukuwento ko ewan ko ba why they interested kung sino-sino ang mga nakasayaw ko . .   then CATH ask if nakasayaw ko daw si CARL, kahit na inaasahan ko na na tatanungin nila yun I never thought na may mararamdaman akong excitement ng sinabi ko sa kanila na " oo " niloko ko pa nga si CATH na paano nya nahulaan na nakasayaw ko si CARL sabi ko pa nga siguro may spicy sya sa school namin . .  at ang mga sira di pa nakontento pinakwento pa sakin kung paano at ano yung nangyari after kaming magsayaw... kaya ayun kinuwento ko sa kanila na wala naman kaming napag-usapan ni Carl maliban sa kamustahan ☺☺ then DIANNE said na " okei na rin yun mas mabuti na nakapag-usap kau thats the start na at least ayos na kau diba " sumang-ayon ako kay DIANNE dahil kahit na ABSENT si CARL kanina I was hoping na iyong pagsayaw namin last PROM was the start of being friend I didnt hope more than that dahil hindi ko alam if i could to it again mahirap mahalin ang isang CARL dahil kahit na di ko sya gaanong nakasama I know sya yung tipo ng lalake na di basta pumapasok sa isang commitment dahil he afraid to invest emotion na di nya sigurado kung magiging masaya sya isa lang sya sa madaming lalaki na takot matalo at mabigo dahil sa pagmamahal . . 

MAYA-MAYA nagyaya na si JANNETH na sumunod kami sa court biniro pa nga ni CATH na namimis daw agad ni JAN si ANDOY ..  Nang dumating kami roon sina IAN, RANDY, ANDOY, JAYPEE at MICHEAL lang ang nadatnan namin when I ask kung asaan si MARK dahil ang sabi nina DIANNE kasama si MARK sa mga nagba-basketball JEPOY said na may kinuha daw sa bahay baka nagkasalisi lang daw kami . .  pero halos na kailang games na ang tropa wala parin when they decided na bumalik na sa bahay naisip ko naring umuwi dahil mukhang wala akong MARK na makikita I dont know why suddenly nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso nagtataka ako kung bakit bigla akong kinabahan pero I just ignored that maybe palpitation lang  .  . . . 

NANGDUMATING kami sa BAHAY nina JANNETH dahil magkatapat lang naman yung bahay nina MARK lahat kami nagtaka ng biglang bumukas yung gate nina MARK at si kumag ang niluwa nun at nilalabas yung MOTOR  . .  si ANDOY ang unang lumapit at tinanong kung bakit di na sya bumalik sa court ewan ko kung anong topak meron sa utak ni MARK at imbis na sagutin si ANDOY pabuskong sumagot at nagdadabog pa . .  ayun mukhang napagod din si ANDOY sa laro kaya mabilis uminit ung ulo " bakit ang init ng ULO mo at pati kami dinadamay mo" humarang na kami nina JANNETH bago pa magkabunggo yung dalawa I told JANNETH na ipasok na si ANDOY at ako na bahala kay MARK pero mukhang malakas nga ang topak ni MARK dahil bago pa makaalis ang tropa sinigawan na nya rin ako  .. .
" Sumama ka na sa kanila aalis ako"Napikon na rin ako kaya sininghalin ko na rin sya " papupuntahin mo ako dito tapos iiwan mo rin ako, at saan ka naman pupunta?? " but imbis na sagutin ako sumakay sa motor at may balak pa yatang mag-walk out pero di pwedi iyon kaya hinawakan ko sya sa baso at sinabi kong " alam mo di ko alam yang topak mo sa ulo kung may problema ka at badtrip ka sabihin mo, kung alam ko lang di sana di na kita pinuntahan " at sa di sinasadya nagulat ako sa ginawa ni MARK itinaas nya yung braso na hinawakan ko para makabitiw sa kanya and because I didnt expect that move muntikan akong mawalan ng panimbang buti nalang Jepoy beside me at nasalo ako bago pa ko bumaksak... nakita ko nagulat rin si MARK at akala ko matatauhan na si gago pero " BAKIT SINO BANG PUMILIT SAYO NA MAGPUNTA DITO EDI UMUWI KA NA WALA NAMAN NAGBABAWAL SAYO " sa pagkakataon na yun di ko alam kung sinong MARK ang kaharap namin at dahil di ko inaasahan ang sinabi nya wala akong nasabi then JEPOY speak up uminit narin yata ang ulo " PRE ano bang problema mo " when I look at MARK eyes I feel the angry di ko alam kung bakit pakiramdam ko para sakin talaga ang galit na yun kaya bago pa lumala ang gulo hintak ko na si JEPOY at sinabi kong " hayaan na natin sya I think he need space" di pa kami nakakapasok sa loob ng gate nina JANNETH narinig na namin ang pagharurut ng motor cycle ni MARK napailing nalang ako . . . RANDY and MICHEAL ask kung okey lang ako, sinabi kong okey lang ako at hayaan muna si MARK baka napagalitan sa kanina kahit na ako mismo sa sarili ko di ko mapaniwalaan ang naging katwiran ko . . .  then nagpaalam narin ako sa tropa pakiramdam ko kasi masyadong madami ang nangyari sa araw na iyon at nakakapagod, they want na ihatid ako pero sabi ko I'm fine i need a air to breath para kasing kakapusin ako ng hangin dahil sa mga nagaganap sa araw na iyon...

HABANG nasa biyahe ako di ko alam kung asan ako kanina, kung sino yung MARK na kaharap ko kanina pakiramdam ko sinampal ako ni MARK ng ilang beses and I wish na sana nga ginawa nalang nya siguro kahit namamaga yung pisngi ko di ko iinda yung sakit kesa yung nangyari kanina daig ko pa di lang sinampal kungdi sinaksak . .  pero binigyan ko parin ng katwiran si MARK gaga ako eh alam ko mamaya tatawg yung gagong iyon sakin at kapag natauhan sya sa mga ginawa nya humatanda ka sakin MR. MARK CHRISTOFFER SALVIRON . . . . . 

Siguro dahil narin sa mga nangyari kaya ayun matapos akong kumain at gumawa ng assignment hinintay ko yung tawag ni MARK pero dahil pagod ako nakatulog rin ako agad . . .



♫♫☼☼ WEDNESDAY ☼☼♫♫



♥♥♥ CONFUSING WEDNESDAY - -- like everyday happened in my entire school day ako ang taga check ng attendance mula flag ceremony at sa bawat subject at dahil doon I know madami ang inis sakin lalo na ang grupo nina BETTY at ngayon pati ni TRACY dahil sinita sya ni SIR DIAZ na maraming C as in CUTTING sa ibang subject lalo na sa T.H.E dahil lagi kaming lumilipat sa FOODS CLUB kaya may chance sila na mag-cut at di nila alam na kahit di ko sila member sa groupings chinicheck ko parin ang attendance nila . .  

I could say na OK na OK na kami ni CARL aaminin ko nakatulong yung mga nangyari last PROM kahit papano para magpansinan kami pero hindi na nga siguro namin maibabalik wat ever we had before pero happy na rin ako at least kung magkahiwalay man kami after high school wala na kaming iiwan na samaan ng loob para sa isat-isa . .   and the confusing situation happened to me today ay si CHRISTIAN ewan ko ba roon imbes na alisin yung issue na kumakalat about us para bang masaya pa sya na inisin kami nina BETTY ewan ko dun di ko tuloy maalis na maghinala pero I know were just friend wala na kong balak dagdagan pa yung sakit ng ulo ko no .. 

BINIGAY samin ni SIR DIAZ yung mga magaganap at gaganapin na schedule sa mga nalalabi naming oras sa school na kailangan namin paghandaan like NSET TEST, RECOLLECTION, FINAL GRADING, CAT GRAD, SENIORS WEEK at ang GRADUATION . . binalaan rin ni SIR yung mga pala-cutting at pala absent ganun rin yung mga pasaway sa room at wag daw magbalak na wag ummattend ng graduation practice dahil mag-checheck din ng attendance at ang maraming absent di aakyat ng stages and knowing SIR DIAZ di yun nanakot totohanin non wat ever he say . .  pinagbilinan rin kami na maghanda ng white T-shirt na tatakan para sa seniors week . . 

AFTER school nagyaya sina ARDEN na tumambay kyna NINO kaya ayun di ako nakapunta sa VILLAGES pero I start to be confused to MARK lalo na ng tawagan ko sya before ako matulog dahil until now di parin nya ko tinatawagan " mukhang nakikipagmatigasan si gago sa kin" kaya nga ako na ang tumawag but tita DOROTHY said na wala si MARK kasama ni CHRIS kanina at hanggang ngayon di pa bumabalik napapadalas nga daw ang pag-alis ni MARK kasama si CHRIS at gabi na umuuwi . .   ewan ko ba kahit anong gawin ko di ko maalis na mag-alala kahit alam ko wala naman akong ginawang masama sa kanya . . . . hmp bahala na nga sya .. 


♫♫☼☼ THURSDAY ☼☼♫♫



♥♥♥ TIRING THURSDAY -- - -  dahil nga kukulangin sa oras kaya naghahapitan na kami bukod sa lesson may iniintindi pa kaming NSET test tapos ang daming ACTIVITY pa na kailangan gawin . .  tapos after ng academic class may CAT pa kami na puros drill at nag-sstart na kung paano ang gagawin sa graduation ng CAT . .  sama po na nililinis namin ang buong KALAYAAN he he he. . 

gabi na kami pinalabas sa CAT kaya I had no time para pumunta sa VILLAGES dahil kung busy sa school busy rin kasi sa bahay nagkakagulo dahil sa problema sa AMILIAR . . . busy rin ako pag-aasikaso ng sinakulo pero kung may relaxation ako yung pag-iintindi nalang ng sinakulo dahil kahit papaano nawawala ang lahat ng iniisip ko dahil sa mga kolokoys kong members lalo na sina VEEJAY, BOGIE at iba pa ..  

AT dahil sa sinakulo nagkakaroon kami ng quality time ni JAN kahit pakonti-konti I admit minsan naguguilty na ko lalo na kung minsan na alam ko I just talk JAN para di ko maramdaman na nag-iisa ako katulad ngayon na may pinagdadaanan na naman kami ni MARK I know I feel bad because of this pero masisisi mo ba ko takot na kong maiwan takot na kong mawalan.....

I try to call again MARK pero si manang ang nakasagot and she said kanina pa daw tulog kaya ayun bokya na naman ... ahhhhh MC ano bang problema mo kainis ka na ..  




☼☼♫♫ FRIDAY ♫♫☼☼



♥♥♥♥ I start to wonder kung ano ang nanging dahilan ng pag-init ng ulo ni MARK last TUESDAY kasi aminin ko man o hindi pakiramdam ko may kinalaman ako dun kahit na baliktarin ko ang utak ko sa kakaisip kung anong ginawa kong masama kay MARK ng araw na iyon wala talaga akong maisip....  I try to rich him sa bahay nina JEN but sad to say kakaalis lang daw kanina kasama si CHRIS ng tinanong ko kung wala bang nababangit tungkol sa nangyari nung tuesday JEN said ayaw na daw pag-usapan ni MARK humingi na nga daw ng sorry kayna ANDOY at JAYPEE ..  ahhh ewan ko inisip ko nalang na MARK is busy kaya di ako matawagan at kaya mainit ang ulo nya dahil may ibang dahilan at hindi ako iyon pero alam ko sa sarili ko may doubt na ko kung dapat kong paniwalaan ang katwiran kong iyon .. 

Buti nalang busy kanina sa school dahil lahat ng subject may quiz tapos ng quiz may lesson at reviewer sa NSET kaya sabi ko kay JEN ng tinanong nya ko bakit di ako nadadaan sa VILLAGES dahil busy nga sa school .. . . katunayan habang kausap ko sya nagsisimula na kong gumawa ng assignment at project kahit na FRIDAY that night . .  tapos mainit pa ang ulo ng mga tao sa bahay dahil si mommy nagsabi na kay lola na ako na hahawak ng allowance after graduation ibibigay nalang ni mommy yung 4,500 para sa pagkain . .  

then kanina kinausap ako ni JAN about VEEJAY may nakapag-chismis kasi sa kanya na nililigawan ako ni BEST ay naku dumagdag pa sa sakit ng ulo ko... pero hindi yun yung bunibigat sa dibdib ko ITS MARK dahil sa mga nangyayari pakiramdam ko may malaking problema ako na haharapin pakiramdam ko nalalagay na naman sa panganib ang puso ko . . 


☼☼♫♫ WEEKEND ♫♫☼☼


DATI kapagdumarating yung weekend inis na inis ako dahil nabobored ako but this week was so different di na nga ako nakapagsulat kahapo (sat) dahil sa dami ng ginawa ko naglaba rin kasi ako after non nagtulog ako dahil puyat ako last FRIDAY at ngayon naman pinagpapatuloy ko yung mga assignment at mga reviewer ko para sa NSET test ni wala na nga akong tym to watch tv dahil sa science palang ang dami ko ng kailangan gawin sa Manual pati na sa english na kailangan sagutan sa MANUAL buti nga nanjan sina kuya abeth ngayon at kuya jhun para tulungan ako sa project ko sa PE na drawing .. at dahil sa lahat ng iyon ni hindi manlang sumagi sa isip ko si MARK dahil kung sumagi sya di ko alam kung matatapos ko yung mga ginagawa ko ♥♥♥



♫♫☼☼ TO BE CONTINUE ☼☼♫♫

No comments: